Tinapik naman ni Maria ang balikat niya at pumasok sa kusina.

"Iho, nandito ka na pala." Mukhang hindi na nagulat si Maria nang nakita niya ang lalaki. Mukhang magkakilala na ang mga ito.

Humalik ang lalaki sa pisngi ni Maria at tiningnan siya.

"Sino siya?" tanong ng lalaki kay Maria habang tinitingnan siya nang masama.

"Oh, by the way, this is Harper. Ah... mamaya ko na lang ipapaliwanag sa 'yo kung bakit siya nandito. Rito muna siya pansamantalang titira sa atin. I'm hoping that you won't make anything inimical while she's here."

Uh...

"What the hell are you saying, Tita? Hindi mo ba nakita ang ginawa niya sa 'kin? Binugahan niya ako ng tubig kanina!"

"Hindi ko naman sinadsadya na mabugahan ka. Patawarin mo sana ako," mahinang sabi niya. Hindi niya na napigilan ang kaniyang sarili. Alam niya naman na may kasalanan siya pero hindi niya naman talaga sinasadya. Nagulat lang naman siya. Sana ay hindi na lang niya ito nilapitan.

Hindi sumagot ang lalaki. Tinitigan lang siya nito saka naglakad papunta sa kaniya. Nang makalapit ito sa kaniya ay binulungan siya nito.

"I don't want you near my room. And please, h'wag kang tatanga-tanga."

Pagkasabi nito niyon ay agad itong umakyat ng hagdan. Nakaramdam siya ng lamig. Ang lamig na parang nagmula sa bibig nito.

Bumaling siya kay Maria na may pagtatanong sa mga mata.

"Pasensya ka na, Iha. Masungit lang talaga ang batang 'yon. Iwasan mo na lang."

"Sino po ba iyon?"

"Si Zeid, pamangkin ko. Rito siya minsan natutulog. Nasa harapan ng kwarto mo ang kwarto niya." Ngumiti ito sa kaniya.

Zeid...

Ibig sabihin, araw-araw niyang makikita ang lalaking iyon dito?

Hindi pa man siya nagtatagal dito sa bayan pero ang dami nang nangyari. Ilang tao nang may masasamang ugali ang nakasalamuha niya maliban kay Maria. Siguro noong una ay hindi naging maganda ang nangyari sa pagitan nila ni Greta at Lian pero ipinaliwanag naman na ng mga ito ang lahat sa kaniya.

At mukhang ngayon, mahihirapan pa siyang pakisamahan ang pamangkin ni Maria.

Hay.. Kamusta na kaya si Tiya?

---

"Mabuti naman at nagkasya sa 'yo ang mga damit ni Lian," ani Maria.

Noong una ay gusto niya sanang kay Maria na lang manghiram nang mga lumang damit pero sabi nito ay hindi raw babagay sa kaniya ang mga damit nito. Tatamang-tama rin na pinahiram siya ni Lian dahil hindi nagkakalayo ang sukat nila.

Nakasuot siya nang magandang bestida na hanggang tuhod lang ang haba. Ibang-iba iyon sa mga nakasanayan niyang mga damit. Madalas din siyang binibilhan ni Hedia nang mga magagarang damit ngunit hindi niya iyon kailanman sinuot.

Para ano pa't nasa isla lang naman siya.

Mabuti na lang at pinahiram siya ni Lian nang maraming damit at sa wakas ay nakapaglinis na rin siya ng kaniyang katawan. Halos dalawang oras siya sa loob ng banyo para lang kiskisin ang katawan niya na puno ng dumi.

"Gosh! You're so pretty, pala! Sabi ko na nga ba, babagay sa 'yo 'yang mga damit. Ikaw kasi, don't wear those long bestida na parang duster na. Nakakasira ng fashion," napangiwi siya sa sinabi nito. Hindi talaga siya masanay-sanay sa pananalita ni Lian.

Saka, pangit ba siya sa dati niyang suot? Hindi naman damit ang nagpapaganda sa tao, ah. Iyon ba ang pamantayan ng kaayusan ng mga tao rito sa bayan? Saka mas komportable siya roon sa dati niyang sinusuot.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Where stories live. Discover now