pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa aking pisngi. isinuot ang salamin ko at naglakad na palabas ng kwarto.

pagbukas ko ng pinto, agad na bumulaga sa paningin ko si aly. halatang hindi sya nakatulog ng ayos dahil sa malaki nyang eyebugs. naka shorts sya at nakatshirt, yung couple shirt namin na may nakalagay na "den's girlfriend". nakatayo sya malapit sa pinto ng guest' room. may hawak syang bulaklak. 

aly: den.. i'm..

hindi ko na pinatapos ang kung ano mang sasabihin nya. agad akong lumakad palabas ng bahay.

author's POV

naiwan si aly na nakatayo. nakatulala. pinipilit pigilan ang luha pero may mga luhang tumakas kaya mababakas ito sa kanyang mga pisngi.

pumikit sya at huminga ng malalim.

den's POV

nagrequest ako sa admin ng ospital kung pwede akong magstraight duty dahil ayoko pang umuwi. ayokong maabutang gising si aly. pumayag naman ang admin. malapit ng mag 12 ng hatinggabi ng magpasya akong umuwi na.

pagdating ko sa garahe ng bahay, andon ang kotse ni aly. parang hindi nagalaw mula sa pwesto nito kaninang umaga.

pagbukas ko ng pinto ng bahay, nakita ko si aly na nakaupo sa may living room. sa di kalayuan ay nakita ko ang dining room namin na may nakahandang pagkain. meron ding kandilang nakasindi sa gitna ng mesa.

lumapit si aly, pero nilampasan ko lang sya at dirediretso ako sa kwarto.

paggising ko kinabukasan ay may nakita akong note sa may baba ng pintuan ng guest room,

"kain ka na den sa baba, may lutong pagkain sa mesa"

lumabas ako ng kwarto at ginayumos ang note. nakita ko ang pagkain sa mesa. may taklob pa, itinapon ko malapit sa mesa ang note. at umalis na ako. sa ospital na ko nagbreakfast.

halos ganon araw-araw ang nangyayari. pinagluluto nya ako ng pagkain, almusal at hapunan pero kahit isang beses ay hindi ko tinikman ang pagkain na niluto nya. hindi ko din sya kinakausap.

may isang beses nanakatayo lang sya sa pintuan ng kwarto ko pagdating ko galing trabaho. mag nakasabit na sign board sa leeg nya,

"sorry, i love you"

CAUGHT IN THE MIDDLE - BOOK 1 (BangLyDen - AlyDen with Bang Pineda)Where stories live. Discover now