Christmas Wish, Chrismas List : A Holiday Special (Part I)

Beginne am Anfang
                                    

Pagkatapos kong magawa ang aking to-do list sa aking cellphone ay bigla namang nag-ring ito. Guest who made the call? Who could it be?

"Hello, Baby Mahal? What are you up to?" sabi niya in a very seductive voice. Para naman akong dalagitang kinilig sa aking narinig.

"Yes, Daba? Nothing that much. Just thinking of you." Papikit-pikit pa ako habang sinasabi ko ang mga ito. Daba is short for Padaba na ang ibig sabihin ay Mahal sa Bicol. Kung sa Visaya pa ay Palangga. Baby Mahal naman kasi ang tawag niya sa akin. Sa tutuo lang, for me it sounds corny, but it's also so romantic. Ganoon naman talaga!

"I have na my Christmas gift for you. I'm sure you will love it," paglalambing niya. Oo nga pala. Wala pa akong naiisip kung ano ang ireregalo ko sa kaniya. Baka kasi hindi niya magustuhan?

"So early naman niyan, Daba? Actually, wala pa akong naiisip, but I'm sure, magugustuhan mo 'yon." Ano kaya yon?

"Ok lang Baby Mahal. Kahit ano pa yan ay tatanggapin ko because you will give it to me with all your heart." At may sabay pa ng tunog ng kiss. Oh my!

"But of course!" I exclaimed.

"Alam mo kahit na wala kang gift sa akin, ok lang. You know why? Because being with you is more than enough for me." Naku, kung katabi ko lang ito ay nahampas ko na ito sa balikat. "The reason I called you is that, gusto ni Mama sa New Year naman ay isasama namin kayo. We are planning to spend it somewhere. Saka na lang niya sasabihin kung saan. She wants it to be a surprise."

Tatanggi pa ba naman ako? "Ok, Daba. No problem. Basta si Tita Kaye. Sa tingin mo, saan kaya?"

"Mahal, surpresa nga."

"O siya. Sige na, Daba. Pinagtatawanan na ako dito ni Alice. I'll talk to you na lang....Love you too!" Pagkababa ko ng cellphone ay natatawa pa rin si Alice.

"Ang corny niyo namang dalawa, pero ang cute niyong pakinggan. Nakakakilig naman. Mabuti naman at mararanasan mo na rin ang mga ganiyang kabaduyan," sabi ni Alice.

Naglungkot-lungkutan itong bigla. "O, ba't malungkot ka?"

"Sa tuwing magpa-Pasko kasi, nami-miss ko si Ramon. Sana narito siya. Kulang ang Pasko pag wala ang Mon ko."

Nilapitan ko si Alice at hinawakan ko sa balikat. "Hayaan mo, papasayahin ka namin ng mga anak mo at ni Mommy." Nakakalungkot naman talaga ang mangulila sa asawa.

"Yes, Ate magiging masaya ako, para sa mga anak ko. Hindi rin naman magugustuhan ni Ramon kung magiging malungkot ako." Umaliwalas na ang mukha nito. "Kailan tayo mag-sha-shopping?"

"Bukas na!" masigla kong sagot.

"Sure na ba diyan?" tanong ulit nito. Ilang beses na rin kami kasing naunsiyami ang lakad namin. Lagi kasi kaming lumalabas ni Stephen.

"Oo na nga. Sige na. Tuloy na tayo bukas!"


Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt