Kabanata 6

1K 31 13
                                    

KABANATA VI







Samara's PoV








Kanina pa ako paikut-ikot dito sa sala. Nasa kwarto silang lahat ng mga bata kasama na din yung dumating na doctor.

Hindi ako mapakali. Ano bang nangyare kay Tristan? Bakit kailangan pa ng doctor?

"Diyos ko po. Wala naman po sanang nangyaring masama kay Tristan."

Napatingin ako sa kwarto ng mga bata nung bumukas ang pinto nito at iniluwa ang doctor na dumating kanina kasunod sina Jade at Heart.

"Doc, kamusta na po si Tristan? A-ano po bang nangyare sakanya?" bungad ko agad sa doctor paglapit ko sakanila.

"He's already fine, Mrs.Montaniel. Sana lang sa susunod ay maiwasan na niya ang pagkain ng mga pagkaing allergic siya." saad ng doctor na nagpakunot sa noo ko.

"Allergic? Teka, saan po siya allergic doc?" naguguluhang tanong ko.

"My gosh. Ikaw ang Nanay pero hindi mo alam na allergic siya sa Pasas!? How dare you!" sigaw ni Jade sa mukha ko.

"P-pasas? A-allergic siya sa pasas? Teka, h-hindi ko alam." napaatras na ako.

"Wala ka kasing kwentang Ina!" sigaw ulit ni Jade.

"Jade, tama na yan. Ah, Doc, hatid ko na po kayo sa labas." ani Heart at nagpatiuna sa lalaking doctor.

Napaupo ako sa sobrang panghihina. Hindi ko akalaing mapapatay ko pa yata si Tristan.

"I can't believe this." napapailing na saad ni Jade habang nakatingin sakin ng masama. "Kung ako lang sana ang pinili ni Stanly, hindi ang kagaya mong walang kwenta."

Parang uminit ang dugo ko sa sinabi ni Jade kaya napatayo at lumapit sakanya saka siya binigyan ng malutong na sampal.

Napabaling sa kanan ang mukha niya. Nabigla na lamang ako ng may nakatutok ng baril sa noo ko.

Nanlambot ang mga tuhod ko at pakiramdam ko naubos lahat ng dugo ko.

"B-tch!" sigaw nito sa mukha ko.

"Jade!" nakita kong lumapit si Heart dito at hinawakan sa braso. "Hindi matutuwa si Boss kapag tinuloy mo yang binabalak mo." banta nito kay Jade.

Mukhang na-realize ni Jade ang ibig-sabihin ni Heart kaya inis itong ibinaba ang baril at itinulak ako dahila para mapaupo ako sa sofa.

"Pasalamat ka talaga, asawa ka ni Stanly!" sabi nito saka umalis ng mansion. Sumunod naman dito si Heart.

Napatakip ako sa bibig ko saka sunud-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

Hindi ko na talaga kaya 'to!

-



"Hello Mina?"

["Oh, nasaan ka na ba? Kanina pa kami dito."]

"Wait lang, nag-eempake na ako. Saka inaantay ko lang matulog si Manang."

The Mafia Boss And His Impostor WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon