Kabanata 2

1K 47 1
                                    

KABANATA II







Samara's PoV







Paulit-ulit kong pinagsasaksak si Tsong mula sakanyang likuran.

Nakakaramdam ako ng tuwa at saya sa nagtatalsikan niyang dugo.

"Hayup ka! Ito ang dapat sayo!" sigaw ko sakanya at buong lakas na ginilitan ang kanyang leeg.

Nakangiti ako nang makitang bumagsak sa paanan ko ang kanyang ulo na nakadilat pa ang mata.

"S-samara..."

Napatingin ako sa babaeng duguan din at may saksak sa kaliwang dibdib kung nasaan ang kanyang puso.

"N-nay???" agad ko siyang nilapitan at niyakap. "Sinong may gawa sayo nito Nay!?" tanong ko na hilam na sa luha.

"I-ikaw!" sigaw nito sakin na naghihingalo.

Napabitaw ako sakanya.

Paulit-ulit kong naririnig ang salitang 'IKAW'.

"H-hindi! Hindi! Hindi ko sinasadya! Hindi!!!!!!!!!!"



Napabalikwas ako ng bangon at naghahabol ng hininga.

Panaginip.

Nilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto.

Puro puti lamang ang tanging nakikita ko.

Nasaan ako?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang babaeng sa tingin ko ay Nurse.

Nginitian ako nito bago lumapit. May dala itong tray na may lamang kung anu-ano.

"Mabuti naman at gising na po kayo, Maam." sabi nito pagkatapos ay hinawakan ang pulso ko.

"Ah, Miss, nasaan ako?"

"Narito po kayo sa Montaniel Medical Hospital, Maam. Dinala kayo dito ni Mr.Altamerano. Nasagasaan po yata niya kayo." paliwanag nito kaya pinilit kong alalahanin ang nangyari.

Naalala kong tumakbo ako palabas ng bahay namin ng dumating si Ate Cheska.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may makasalubong ako mabilis na kotse.

Hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari.

Pero teka, Montaniel Medical Hospital? Ito ba yung pag-mamay-ari ni Mr.Stanly Montaniel? Wow.

The Mafia Boss And His Impostor WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon