"De mawawalan ka na ng makulit pero magandang bihag—" Napahinto ako dahil biglang sumeryoso ulit iiyung mukha niya. Ganun na ganun yung facial expression ni Grandpa Andy dun sa mga portraits niya sa mga buildings na pag-aari ng mga Montreals at dun sa estatwa niya sa University ni Mommy at Tita Misty.

"Wag mong gawing biro 'to, Katheryne. Hindi ako makakapayag na mawala ka sa akin."

Hindi na ako nakakibo sa sinabi niya. What does he meant by that? Hindi siya makakapayag na mawala ako sa kanya dahil ako yung alas niya para makapaghiganti? O hindi siya makakapayag na mawala ako sa kanya dahil may nararamdaman na rin siyang kakaiba para sa akin?

"Let's go." Hinila na ulit niya yung kamay ko.

Ilang minuto pa ay nakarinig kami pareho ng parang lagaslas ng tubig. Nagkatinginan kami at nanlaki pa pareho yung mga mata namin.

"Shuckz! Malapit na tayo, Ryder!" Ako na yung humila sa kamay niya at sinundan yung pinanggagalingan ng tunog. My heart overflowed with so much excitement when I saw a stream of water. Sinundan namin iyon at napatalon talaga ako nang sa wakas ay nakita na namin yung waterfalls.

"ANG GANDAAAAA!!!" Napatakbo ako palapit doon. I raised my arms in the air. "THIS PLACE IS A HEAVEN ON EARTH! WHOOOOOH!!!" Napatalon-talon ako bago nilingon si Ryder. "Bilisan mo! Halika na rito."

Nang makalapit siya sa akin ay kinapa ko yung mga bulsa niya.

"What the hell are you doing?"

"Nasaan na yung phone mo? Di ba sabi ko dalhin mo dahil magpapa-picture ako sa 'yo?"

He pulled his phone out of his jeans' back pocket and tapped on the screen before he lent it to me.

Excited na excited ako habang binubuksan yung camera. Naghanap ako ng magandang anggulo at kinuhanan ko agad yung waterfalls pati na yung paligid. Lumapit ako sa kanya at ipinakita yung mga kuha ko. "Ang ganda di ba?"

"You took the photos very nicely. You seemed like a pro."

"May subject kasi kami sa course namin dati na photography that's why." I gave the phone back to him. "Picturan mo naman ako." Lumayo ako nang konti at nag-pose sa harap niya. "Dapat yung whole body pero kita sa background yung falls, ha?" After he took the photo ay lumapit ako sa kanya. "Ay ang pangit ng ngiti ko. Isa pa. Ulitin mo." Lumayo ako at kinuhanan ulit niya ako. "Ay pangit pala yung pose na ganyan. Isa pa nga."

Nang nakailang takes na siya sa akin ay sumimangot na siya. "Okay na yung mga yun. Napakaarte mo. Bakit ba conscious na conscious ka sa sarili mo eh kung di ka lang maliit, papasa ka ngang beauty queen."

Napangiti ako sa sinabi niya. Marami namang mga nagsasabi ng ganun sa akin pero bakit nung siya na ang nagsabi ay ang sarap sa pakiramdam. "Weh? You really mean that? You really think I'm beautiful?"

He arched his brow on me. "You're gorgeous and stunning. Anong pambobola pa gusto mong marinig sa akin?"

Napanguso ako. "Ang lakas mong mambasag!" Naghanap ako ng iba pang magandang view at doon naman nagpa-picture sa iba't-ibang pose. "Ang ganda ko talaga!" puri ko sa sarili ko habang tinitingnan yung mga kuha niya.

"At talagang ikaw na pumuri sa sarili mo dahil binobola lang kita."

Inirapan ko siya. "Say whatever you want to say, Ryder, but I'm confident with my beauty. Look at my pictures. Mukha akong diwata ng waterfalls."

"Oo na. So now that you already saw that waterfalls, siguro naman matatahimik na kaluluwa mo at di mo na 'ko kukulitin nang kukulitin araw-araw. Kaya tara na. Let's go back home."

Heart Held CaptiveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum