short story

5 0 0
                                        

I am smiling ear to ear while his saying his bow. I am smiling because of him. Dati pa naman siya ang dahilan ng mga ngiti ko.

Parang kahapon lang nagkokopyahan tayo ng assignment. Parang kahapon nasa eskwelahan pa tayo. Parang kahapon lang.. kahapon..

"Anong section yun?" Napalingon ako sa tinuro niya. Ngumiwi ako at bumaling ng tingin sa kanya.

"Ewan ko" sagot ko at pinagtuonan na lang ng pansin ang assignment ko.

May bago nanaman siyang pagkakainteresan. Napailing ako.

"Hindi mo kilala?" Tanong niya ulit.

Umismid ako. "Bakit? Ayaw mo na sa ka-MU mo?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Tinatanong ko lang naman. Tsaka, sa tingin ko wala na kaming pag asa ng ka-MU ko. Masyadong siyang possessive, nakakairita na" iritable niyang sabi.

Ngumiti nalang ako. Palagi naman kasi akong nag aadvice, di naman inaapply.

"Leila Alvarez... yata pangalan nun?" sabi ko. Para sa tanong niya kanina.

Kada buwan yata iba iba ang nag gugustuhan niya, kaya hindi na ako mag tataka kung pormahan niya si Leila pagkatapos niyang kalasan ang ka-MU niya.

At hindi ako nagkamali.

"Oy Less, si Leila kasama kong umuwi mamaya. Di na kita sasabayan ah" nagmamadali siyang ligpitin amg laptop niya.

Nalungkot ako sa sinabi niya. Pero ngumiti ako. "Sige sige. may bago ka na naman." tumatawa kong sinabi.

"Wala, ito talaga. Makikisabay lang ako dahil may pupuntahan ako at iisa lang ang daan namin. Umayos ka nga!" natatawa niyang sabi. Kahit na idininey niya. Alam ko. Palagi naman siyang ganyan eh.

"Sige na Less, ingat ka"

Ngumiti na lang ako. Sanay na ako. Hindi na masadong masakit sakin sa twing may kasama siyang babae. Nasanay na kasi ako. Ang importante, hindi niya ako iniwan katulad na lang ng mga ka-fling niya o ka-MU niya. Kahit na makaibigan lang kami.

"Uy pakopya nga ng assignment" sabi niya pagkarating na pagkarating sa classroom.

Agad kong kinuha ang assignment ko at binigay sa kanya.

"Ba't di mo nagawa yan? Nung monday pa yan binigay ah. Dapat kahapon nagawa mo na yan" pang sesermon ko.

"Sorry na, nakalimutan ko po." Sabi niya habang kumokopya.

"Nakalimutan o busy sa pakikipag-date?" sarcatic kong tanong.

Tumawa siya. "Sorry na nga"

Gusto kong maiirita. Hindi niya tinanging nakipagdate siya. Mas gusto kong nakalimutan niya lang ang assignment kesa busy siya pakikipag-date.

Tumawa ako para hindi halata "ano, kayo na ni Leila?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi, kaibigan niya" sagot niya.

Ngumuwi ako. "Ahh" yun na lang ang sagot ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Last week lang hinahatid niya si Leila. Last week lang kinikwento niya si Leila. Ngayon iba na pala.

Napatingin siya sakin. Nginitian ko lang siya.

Galing sa ibang school ang bagong dinidate niya. At sa bawat date nila, hindi niya nakaligtaang ikwento saakin. At sa bawat kwento niya pinagdadasal ko na sana hindi siya seryoso sa babaeng yun.

Pero, nga naman, kung ano ang pinagdadasal mong wag mangayari, yun ang nangyayari.

"Less, si Sena. Nililigawan ko. Sena, si alessa partner ko" pakilala niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MisleadWhere stories live. Discover now