Chapter 8

14 0 0
                                    

Napadilat ako nang maramdaman ko yung sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Umaga na pala.  Hindi muna ako bumangon. Naisip ko kasi ulit yung sitwasyon ko. Napabuntong hininga na lang ako. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung nakabalik ako. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Sander. Kamusta na kaya siya? Lalo ko siyang namimiss. Ang awkward naman siguro kung pupuntahan ko siya sa bahay nila at bigla na lang sasabihing ako si Jillian na girlfriend mong namatay a year ago. Baka sipain pa ako nun papuntang mental hospital, akalaing baliw ako. Eh paano ko nga ba sasabihin sa kanya yun? O hindi na lang? Aish!

Tinigilan ko na yung masyado kong pag-iisip at bumangon na. Papungas pungas pa ako sa pagbaba. Nakasalubong ko naman si Kent kaya binati ko. "Morning, Kent." As usual, inirapan lang ako. Tch. Sa isang taon, ang bilis nagbago ni Kent. Naging suplado. Hmmp. Dumiretso na lang ako sa kusina at nagbukas ng ref. Napansin kong papaubos na yung stock namin.

"Kent!" napalingon naman siya sa'kin at lumapit ako sa kanya. Inilahad ko yung palad ko kaya nagtaka siya.

"Mag-grocery na ako wala nang laman yung ref." Napakunot yung noo niya.

"I still don't trust you. Why would I give you money?" Dalawang linggo na ko dito. Pakalat kalat lang mga gamit mo edi sana matagal na kita ninakawan. Aish. 

Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan yung kamay kong nakalahad at hinatak niya ako.

"O-oy teka! San tayo pupunta?" Malapit na kasi kami lumabas sa pinto pero napatigil siya. Narinig ko siyang bumubulong 

"Where the hell is my phone?" Tska inikot yung sala na kinakaladkad parin ako. Napatingin na lang ako sa mga kamay naming magkahawak. Sabi na eh nakakalat lang kung saan yung mga gamit niya. Nakita naman niya yung iphone niya na nakalagay lang sa center table. Tch. Rich kid >3<

Kinaladkad niya ulit ako hanggang sa makarating kami sa labas kung nasaan ang kotse niya. 

"U-uh Kent?" Napatingin siya sakin. Binaba ko yung tingin ko sa kamay niyang nakahawak sakin. Napabitaw naman siya. Patay malisya. Binuksan niya lang ang passenger's seat tapos umikot sa driver's seat. 

 ***

Nakarating kami sa supermarket. Kumuha naman ng cart si Kent at nagsimulang kumuha ng kung anu-ano. Yung totoo?! Tinitingnan man lang ba niya mga kinukuha niya? Yung tipong titingnan ang price, expiration date o kaya naman iisipin kung kailangan ba niya yun. Basta na lang nilalagay sa cart ang matripan niya. Puro junk foods pa!. Napailing ako

 "Dahan dahan naman sa paglalagay! Tska isa pa, ang kunin mo naman yung hindi sisirain yang health mo." Aba't! Inirapan ako.

"Tss. Paki mo ba? Ako naman magbabayad niyan."

"Fine. Eh basta kukuha ako ng pwedeng lutuin para sa tin ah?" Buti naman hindi ako pinagbawalan at tumango na lang.

Habang naglalakad kami napaisip ako. Kailangan ko na sigurong makahanap ng trabaho para may pera ako para makapag-aral. Kukuha na din siguro ako ng exam para sa scholarship sa dati kong eskwelahan. Sana matanggap ako ulit. Dati na kasi akong scholar. Since mag-isa na lang ako, ang pera ko lang ay ang ipon ng mga magulang ko para sakin na hindi ko ginagalaw dahil nagwowork din naman ako.

Pero may problema eh. Wala akong identity dahil sa iba ang itchura ko.Paano na kaya yun? Napabuntong hininga na lang ako.

Nawala namanako sa pag-iisip ko nang mabangga ako sa isang pader--Ay, si Kent pala. Ang tigas kasi. 

"Tutulala ka na lang ba diyan?" Masungit na sabi niya. Kainis. 

Nakatapos na kami at papauwi na. Iniisip ko pa rin kung paano ko makakabalik eskwela at makakahanap ng trabaho. Wala naman na akong record sa mundo ngayon. 

Papasakay na ko sa kotse ng may mahagip ang mata ko. Napangiti ako habang tinitingnan siya. Walang masyadong nagbago sa kanya. Mahaba parin at messy ang buhok at nakasalamin. Mahilig pa rin yata siya sa isang puting tshirt at ripped jeans. Yun kasi ako suot niya ngayon gaya ng dati lang. 

Napatingin naman siya sa gawi ko kaya ngnitian ko siya. Nagtataka naman na mukha ang ibinalik niya sa akin. Shunga lang, hindi nga pala niya ako kilala. 

Magpapakilala din ako sayo Marcus Garcia. Ikaw ang makatutulong sa kin. Sana. 

Back to LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon