Chapter 6

27 1 0
                                    

Habang nakaupo ako dito sa ilalim ng puno, Biglang humangin. Niyakap ko yung sarili ko dahil sa lamig.

Maya maya biglang bumuhos ang malakas na ulan. Waaah. Siopao >.< Ang lamig!

Lord naman sabi ko sa inyo huwag mo paulanin eh TT____TT

Napatingin ako sa bintana na katapat ko at nakita ko si Kent na kumakain pa! Siya nagpapakabusog lang dun samantalang ako nandito nilalamig ng bongga! Brrr

Dahil Di ko na kaya lamigin dito, Kinatok ko sa bintana si Kent kaya napatingin siya. Nagulat yata ng makita niya ako na nandito pa.

Binuksan niya yung bintana at agad sumigaw.

"ANO PA BANG GINAGAWA MO DITO?! UMUWI KA NA SA INYO!"

Kung alam mo lang! Dito ako nakatira =_____= Bakit kasi nandiyan ka?! Panira eh. Tss.

I shivered. "W-wala akong ibang mapupuntahan!"

Napamura pa yata siya. Hindi ko kasi narinig.

Sumenyas naman siya na pumunta ako sa front door kaya tumakbo ako dun. Hinintay ko naman na buksan niya yung pinto.

Pagbukas niya, May hawak siyang towel. Inabot niya yun sakin. "S-salamat."

Pinapunta niya ako sa guest room. Well guest room siya kasi extra room na lang yun. Mag isa na lang ako dati dito remember? Apat kasi ang kwarto sa bahay. Buti may banyo dun. Gusto ko sana magshower kaya lang wala akong pamalit na damit.

Pinuntahan ko naman yung mismong kwarto ko. Chineck ko kung bukas. Locked. Pano yan?

"Anong ginagawa mo diyan?"

Napatalon naman ako sa gulat nang bigla siyang magsalita.

"W-wala." Sabay iwas ng tingin sa kanya. 

"Ano nga ang ginagawa mo diyan?" Nakatingin siya sakin na parang kakainin ako ng buhay. Tapos yung tipong ang laki ng kasalanan ko dahil lang nandito ko sa tapat ng kwarto ko--ni Jillian.

"Gusto ko sana mag-shower kaso wala akong pamalit. Kukuha sana ako sa kwarto ni Jillian." Totoo naman eh. -.-

"Bakit ka naman kukuha sa gamit ni Jillian?" Paki mo?! Bakit ba kasi galit 'to? Nakakaasar! >.<

"Close kami eh. Bakit ba? Geez. Tska alangan naman na hindi ako magbibihis basang basa ako sa ulan. Edi nagkasakit pa ako?! Wala na nga akong matutuluyan dahil pinapaalis mo ako dito eh!"

Hindi ko alam kung bakit nasigawan ko siya. Siguro dahil sa inis ko at sabayan pa ng lamig. Giniginaw na kasi ako kanina pa! Napayakap na tuloy ako sa sarili ko. >.<  

"Sino ka ba kasi ah?!"

"Ako si Ji-- Jia! Pinsan ni Jill." Muntik ko na masabi na Jillian! >.<

"Bakit ka pumunta dito?" Ah grabe interrogation na pala 'to! Di ako prepared! Parang gumawa ako ng labag sa batas ah! >.<

"E-eh kasi napalayas ako sa inuupahan kong apartment." Waaah ang sinungaling mo Jill pero wala na din naman choice eh. Kung sasabihin mo sa kanya yung totoo for sure na iisipin niya na baliw ako!  >.<

"Kaya ako dito pumunta dahil sabi sakin dati ni Jill pwede daw ako dito kahit kelan. Two years ago pa yun." Acting ka na lang Jill. >.< Kunwari nagreminis pa ako para medyo epektib mehehe

Napabuntong hininga naman siya. "Sandali lang." sabi niya. Nagtaka naman ako dun. Bakit kaya?

Pamaya maya nakita ko siya bumalik at pumunta sa pinto ng kwarto ko. Nakita ko yung mga susi sa bahay ko. Yun parin yun keychain dun! Yung couple keychain namin ni Sander. Miss na miss ko na siya! :(

Binuksan niya yung kwarto ko. "Kumuha ka na lang ng damit diyan." sabay alis niya. I sighed in relief. Feeling ko kasi 'medyo' nagkatiwala siya sakin or naramdaman naman siguro niya na wala akong balak na masama.

Kumuha ako ng damit. Nagpunta sa banyo at nagshower. Pagkatapos nagbihis na ako. 

Oh God, Make this easy for me. Please? 

Back to LifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang