Chapter 3

29 3 4
                                    

"AHHHHHHHHH!" sabay kami napasigaw ng lalaking topless.

"Sino ka?!" Napasabay na naman naming sabi.

"Ako ang may-ari ng bahay na 'to." Nasabi ko naman sa kanya. Buti hindi nakisabay si koya. :3

"May ari ng bahay? Gaga ka ba?! Eh patay na

may ari ng bahay na to eh. 'Wag mo ko pinaglololoko ah! Magnanakaw ka noh?"

Ayy. Patay nga pala ako. Urghh Pano ba 'to? Pano ko masasabi kay kuya topless >o<

"T-teka, Ikaw ano ginagawa mo sa bahay na 'to?!"

Bakit ba kasi nagka'lalaki dito sa bahay ko?! Anong ginagawa niya dito sa BAHAY KO?!

"Ako yung nakatira dito ngayon e." sabi naman niya. Nakatira?! Bakit?!

"Hah?! Pano nangyari yun?! Imposible. Kay Jillian 'tong bahay na to eh. Bakit may nakatirang ibang nilalang dito?!" sabi ko kay kuya oh-so-hot ng body

"Teka, Kilala mo si Jillian?" tanong niya naman. Malamang ako yun eh pero syempre hindi niya alam yun. -.-

"A-ah o-oo" 

"Kaano-ano mo siya?"

Bat ba kuya andami mong tanong?! Porket broad lang ang shoulders mo, built ang body mo. Porket 8pack lang yang abs mo ang usisero mo na?! ano ba?! AT HINDI LANG YON! Porket ang ganda ng mata mo,mapungay kaya nakakaakit, ang tangos ng ilong mo, small lips, so red and kissable?!!

Lycheeeee! Natutulala yata ako, ngayon ko lang napansin isang adonis pala si koya! 

"H-ha? Ahh--" ano ba to? ano sasabihin ko? Siete naman oh.

"Pinsan ko siya!" Tama pinsan ko si Jillian >3<

"Patuyan mo nga!" Agad agad?! Nabigla ako! Kailangan ko umisip ng magandang palusot, nakanang!

"T-teka, ikaw, sino ka muna?! Bakit nandito ka sa bahay ng pinsan ko?" tanong ko muna. Syempre kailangan ko pa mag isip ng palusot. Goshhhhh pano ba 'to?

"Ako sii

.

.

.

.

Chris Hemsworth" Ay! Mokong! Malayong malayo siya. Di nga siya pwede maging Thor eh -.- Masyadong Gwapo na kasi. 

"Loko loko! Sino ka nga?"

"Kent Richard Villamayor"

K-kent Richard Villamayor?! Is he really Kent?

Si Kent Richard Villamayor na KAPATID ni SANDER FORD VILLAMAYOR na boyfriend ko?

Back to LifeWhere stories live. Discover now