[12] LION HEART

9 0 0
                                    

Rae's POV

"A-anong s-sabi mo?" pautal-utal kong sabi kay Albert, nako naman narinig nya yung litanya ko kanina? I'm Dead ! pero at least siguro naman alam na nyang may gusto ako sa kanya? baka iwasan naman nya ako T^T

"Imposibleng walang magkagusto sayo sabi ko" Kahit na napakalaki ng eyebags nitong lalaking 'to, bakit gwapo pa rin? hay nako Rae ! nababaliw ka na talaga

"Ay sige exit na kami dito sis" sabay tap sa akin ni Ai

"Oo nga, bye usap lang kayo hindi pa naman kami matutulog eh, sa rooftop lang kami" sabi ni TaeYeon tsaka sila lumabas, nako paano na 'to?

"Albert bakit bigla kang nagsusulpot naman? narinig mo ba yung pinag-uusapan namin?"

"Ah ano ngayon ngayon lang ako" hindi nya pala narinig na may gusto ako sa kanya

"Ah ganun ba sige labas na tayo, hindi pa ba kakain? nagugutom na ako eh"

"Ah yun nga yung dahilan kung bakit na ako nandito kakain na" kaya nauna na akong naglakad papalapit sa pinto pero biglang..

"Can we talk later?" bakit aprang kinabahan naman ako?

"Ah eh sure" tsaka na ako lumabas at pagtingin ko yung mga babae eh nandito sa gilid ng kwarto nakikinig pala

"Narinig nyo lahat?"

"Uhm konti lang ah eh este oo pala" sabi ni Ai

"Hindi na ako aasa talaga guys, I'm done" tsaka na ako tumalikod sa kanila, bigla naman akong inakbayan ni Tiff

"Wag ka nang malungkot ! para kang ewan Rae maghanap ka mamaya sa labas hahaha" tsaka na kami bumaba

Naupo na kaming girls kasi yung boys yung mga naghahanda ng pagkain at kamalas-malasan eh kaharap ko sya, nako naman ! >_< Hayaan mo na Rae ! wag mo na lang pansinin !

Awkward naman walang nagsasalita, lahat subsob sa pagkain eh

"ui Rae bakit mo ba nagusutuhan si Albert?" biglang tanong ni Red kaya napaubo ako bigla ! langyang lalaking 'to ! alam nya ba?! humanda ka sakin talaga Ailee !

"a-anong sinasabi mo? may gusto ako kay albert?" maang maangan kong sagot ! best actress ito no !

"oo halata kaya" bwiset ! kaya tinignan ko sya ng masama tapos tumawa lang ang loko? pagtingin kokay Ailee pangiti-ngiti din -_- pinagplanuhan -_-

"hoy ! may iba akong gusto ! in fact MU kami no !"

"Ganun ba? wala pala syang gusto sayo Albert eh tsk tsk sayang naman " sagot ni Ailee -_- humanda 'to saking babaita na 'to mamaya ! kakain ko 'to ng buo

"U-una na ko, papahangin lang ako sa labas" sabi ni Albert sabay labas , ano affected lang ang kuya mo? ayokong mag-assume pero mag aassume ako for this situation, may gusto ba sya sakin?

Nakakahiya naman kasi kung ako yung aamin diba? ako yung babae eh pero sa bagay nagawa nga ni Ailee eh pero hindi ako ganun aba sa ganda 'kong 'to? mwahahaha

==================================================================

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spying My Future Wife (A Gangster Princess)Where stories live. Discover now