Agad akong sumunod sa kanya papasok ng Bo’s coffee.Tahimik doon at kitang kita ko ang brown na mga designs. Refreshing siyang tingnan at solemn. Bukod kasi sa malinis at maganda ang ambiance ay tahimik rito. I wonder kung bakit. Siguro dahil sa hindi ito sikat o sadyang mamahalin lang talaga dito at walang ordinaryong tao ang mag aaksaya ng pera para lang sa isang kape.

Tingin ko yung pangalawang dahilan ang tama sa mga hula ko. Halata kasi sa aura ng shop. Mamahalin halos lahat ang naka display doon.

 

Natawa ako sa mga iniisip ko. Kung ano ano nalang kasi ang pumapasok sa utak ko para lang hindi ako makaradam ng kaba. Sa totoo lang, kabado ako at namamawis narin ang aking mga palad. This is silly. I know wala akong dapat katakutan pero bakit ngayon iba na? Dati kasi kaya ko lang siya bastang sagutin. Siguro dahil ito sa nangyari sa amin ni Nate.  Sa sobra kong daming naranasan ay hindi ko mapigilan ang ma trauma.

 

Ginayak kami sa pangdalawang mesa malapit sa bintana. Agad namang lumapit ang isang waitress at ngumiti sa aming dalawa. Tipid din akong ngumiti sa kanya.

 

“I’d like to have Froccino Primo Mocha please. Ikaw, iha?” Tumingin si Mrs. Corpuz sa’kin.

 

Napaawang ang bibig ko.

Iha.

Iha, daw.

 

Kinagat ko ang labi ko at palihim na pinahid ang namamawis kong palad.

 

“Uh, yung Oreo flavor nalang.” Tumango siya at mabilis namang tinake down ng waitress ang order.

 

Pagkatapos makuha ang order namin ay umalis na ang waitress - leaving us two alone. Putragis. Ba’t ba ako namamawis ng sobra?

 

Gusto kong mainis dahil hindi na talaga siguro maitatago sa mukha ko ang kaba. I took a sharp breath. Hinahanda ko na ang sarili ko para sa kung ano man ang mangyari. Dammit! Gusto kong magwala. Bakit ba kasi sumama ako sa taong ‘to? Kahit Mama siya ni Nate ay mangkukulam parin siya!

 

Oo, matandang mangkukulam! Walang hiya pero yun talaga ang tingin ko sa kanya. Naalala ko kasi ang Nanay ni Dao Ming Si sa kanya. Parang araw araw bumubuga ng apoy. Parang anytime ay nangangain ng tao. Parating galit ang itsura at bumabalandra sa asta niya na may sinabi talaga siya sa buhay.

 

“I’m sorry.”

 

Nabalik ako sa ulirat dahil sa isang matipid at mabigat na salita galing sa Mama ni Nate. Napaawang ba ang labi ko dahil sa sobrang pagka gulat.

 

“H-ho?” Utal kong sabi.

 

Tipid siyang ngumiti at sumandal sa upoan. Natigil pa kami saglit dahil dumating na ang order namin. Pagkatapos nang paglapag ng order ay umalis na din ang waitress.

 

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

 

Bribing Mr. PresidentNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ