Wicked Chapter Twenty-One

Magsimula sa umpisa
                                    

Si Prince kasi ang tipong aako ng isang kasalanan para kay Cindy. Noon pa man ay hindi na gusto ni Prince si Zach para kay Cindy. Hindi siya nagkulang ng paalala rito, ngunit heto siya, sinisisi ang sarili sa nangyari sa nagpakatangang bruha.

"What now," sabay pihit ni Cindy paharap sa lalaki. "Pa'no kang babawi?"

Yumuko si Prince saka umiling. Paano nga ba?

Humalukipkip si Cindy at bumuntong-hininga, animo siya nag-iisip ng kung anong bagay. Unti-unting nawawala sa isip niya si Zach. Hindi naman iyon mahirap lalo kung nasa malapit lang si Prince.

Bilang isang ulila, uhaw sa atensyon si Cindy. Ngunit ang uhaw na iyon ay pinapawi ni Prince. Wala siyang gusto sa binata, mamatay na ang sinungaling, pero nakakaramdam siya ng selos sa tuwing may iba itong kasama. Makasarili siya kaya ang gusto niya, kanya lang ang oras ni Prince. Kanya lang din dapat ang atensyon at pagkalinga nito. Ayaw niyang may kahati o kaagaw. Kaya nga lahat ay ginagawa niya mapaghiwalay lang si Prince at sinumang maging nobya nito. Noong una, madali lang sa kanya ang lahat. Ngunit sa pagtagal-tagal, nag-uumpisa na siyang mahirapan. Tila ba unti-unti nang lumalayo ang loob ng binata sa kanya.

Aminin man ni Cindy o hindi, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit niya sinagot si Zach. Simula nang ligawan siya ni Zach, lagi na ulit si Prince sa tabi niya. Bantay-sarado siya tuwing nariyan si Zach. Lagi rin itong pumapagitna sa dalawa. Naisip ni Cindy na kung sasagutin niya si Zach, babalik ang dating dami ng atensyong ibinubuhos sa kanya ni Prince. Naisip niyang lalo siya nitong babantayan. Naganap naman ang nais niya, pero dumating si Stephanie, ang pinakamatindi niyang karibal.

Hindi alam ni Cindy kung anong ipinakain ng babaeng iyon kay Prince pero habang tumatagal, mas inaabala ni Prince ang sarili sa pag-asikaso rito kaysa sa kanya. Lalo niya tuloy inilapit ang sarili kay Zach... hanggang sa tuluyang mahulog ang loob niya rito.

Ah! Ngayong naalala ni Cindy ang tungkol doon, isang bagay ang naglalaro sa kanyang isip. Kasalanan din ni Stefania ang nangyari sa'kin.

"Sasabihin ko sa'yo," aniya. "Makipag-break ka sa kanya."

Agad na napatigin si Prince kay Cindy.

"Ah! Maalala ko, sabi mo di ba pag hiwalay na kami ni Zach, makikipaghiwalay ka na rin sa babaeng 'yon?"

"Pero—"

"Hindi mo gagawin?" tuluyan nang nawala ang tuwang kanina lang ay nanumbalik kay Cindy. Sinusuway na naman kasi siya ng binata. "Katulad lang din naman siguro siya ng iba mong naging girlfriend di ba? Don't tell me hindi mo siya kayang mawala!"

Hindi sa ganon, he almost answered.

"Hindi ka naman dating ganyan ah? Pag sinabi kong makipaghiwalay ka, nakikipaghiwalay ka agad. Ano ba talagang ginawa sa'yo ng babaeng 'yon?"

Umiling lang si Prince. Hindi siya nagsabi ng anuman.

"Sumagot ka!"

"Ano ba talagang nakukuha mo sa tuwing ginagawa mo yan?"

Natigilan si Cindy sa tanong ng binata. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao upang itago ang biglaang panginginig ng mga ito.

"Nakakainis ka," nagpipigil na aniya. Ngunit kalaunan ay napasigaw na rin siya, "Nakakainis ka talaga! Lumabas ka na nga! Lalo mo lang sinisira yung gabi ko eh! Para kang si Zach, masyado kang paasa! Puro ka sabi, hindi mo naman ginagawa!"

"Wag mo 'kong ikukumpara sa lalaking yon," ang tila naiinsultong tugon ni Prince.

"Why not? Talaga namang pareho lang kayo. Pareho ninyong hindi kayang panindigan ang sinasabi n'yo!"

"Fine! Sige na, gagawin ko na! Gagawin ko na ang gusto mo. Hihiwalayan ko si Stephanie bukas na bukas din."

Umaliwalas na muli ang mukha ni Cindy, "Totoo?"

"Kung yon ang gusto mo. Kahit hindi ko maintindihan kung bakit yun ang gusto mo. Kung yon ang kailangan kong gawin, gagawin ko."

Upang itago ang sariling ngiti, tumalikod na muli si Cindy at humarap sa malaki niyang aparador.

"Wag kang puro salita, gawin mo."

"Gagawin ko," agarang sagot ni Prince habang titig na titig sa ngayo'y nakatalikod na dalaga. "Para sa'yo."

Ramdam ni Cindy ang pagtayo ng kanyang balahibo sa mga huling salitang sinabi ni Prince. Hindi niya sigurado kung bakit, basta kinilabutan siya.

"Wag kang mag-alala," ani Prince, "susundin na kita. Magpahinga ka na."

Tumalikod na si Prince at nag-umpisang humakbang palabas ng kwarto ng dalaga.

Pumihit si Cindy paharap kay Prince. "Sandali."

Dahan-dahang umikot si Prince upang ibalik ang tingin kay Cindy. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng pagkailang si Cindy sa pagsasalubong ng mga mata nila kaya napayuko siya.

"Matutulog na 'ko. Yung gatas ko... ipagtimpla mo 'ko. Hindi ako makatulog pag wala yon."

Gumuhit ang isang maliit na ngiti sa mga labi ni Prince. "Hintayin mo 'ko sandali. Ipagtitimpla kita."

Nakayuko pa rin, marahang tumango lang si Cindy.

Bumaba na nga si Prince sa kusina para ihanda ang inumin ng dalaga. Matapos iyong maihatid sa kwarto nito, pumasok na siya sa sariling silid.

Pagod man, hindi sa kama nagdiretso si Prince, hindi rin sa sarili niyang banyo o sa kanyang aparador para kumuha ng pambahay. Sa halip ay tinungo niya ang kanyang study table. Sa gitna ng mga librong nakatayo sa mini-bookshelf niya, kinuha niya ang isang simple't mukhang mumurahing notebook na may disenyong nag-eengganyo sa makakikita nito na pangalagaan ang kalikasan. Kumuha siya ng ballpen saka binuksan sa isang bagong dahon ang nakatahing nubenta-pahinang kwaderno.

Parang diary ang notebook na iyon. Doon niya isinusulat ang mahahalagang pangyayari ng kanyang araw. Ngunit kaiba sa normal na talaarawan, kay Cindy nakapangalan ang bawat isinusulat niya.

Cindy,

Sorry. Umiyak ka na naman at wala akong nagawa para patahanin ka. Pero gusto kong malaman mong andito lang ako lagi para sa'yo. Hinding-hindi kita iiwan na tulad ng lalaking yon. Kasi hindi ako tulad niya.

Nagpatuloy siya sa pagsusulat. Masakit pa ang kamao niyang nakabalot lang ng panyo pero ininda niya iyon.

Palagi siyang ganoon. Lahat ng hindi niya masabi kay Cindy, isinusulat niya sa notebook. Higit dalawang taon na rin simula nang gawin niya ito. Hindi na niya mabilang kung ilang notebook na ang naubos niya. Sa dami ba naman ng gusto niyang sabihin kay Cindy, dalawa hanggang tatlong buwan niya lang nagagamit ang isang kwaderno.

Hindi sigurado ni Prince kung hanggang kailan niya kakailanganin ang tulong ng ballpen at papel para lang mailabas niya ang nararamdaman niya. Hindi rin niya sigurado kung gugustuhin niyang mabasa ng bruha ang kanyang mga liham.

Nagsimula siyang kausapin si Cindy sa ganitong paraan noong nag-uumpisa na siyang makaramdam ng kakaiba para rito.

Tama, may pagtingin siya kay Cindy. Sa kabila ng lahat, may espesyal siyang nadarama para sa bruha. 

----------

Ayun. Regarding Prince's diary... dapat talaga sa umpisa pa lang lalabas na yan ehh. Bali after nung catfight ni Cindy at Stephanie... pero dahil nga lagi akong tinatamaan ng malas, nawala yung nasulat ko dati kaya gumawa ako ng bago at nahirapan nang ipasok sa kwento yung tungkol sa diary. Pero sa part na yun, wala pang pag-aming magaganap...

And yeah, sa tingin ko andami nang nagbago sa talagang flow nitong story. Marami pa akong gustong isulat pero mukhang pati ang mga yon ay mabubura na sa kwento. Anyway, I'm doing what I can para patuloy na magbasa ang mga nagbabasa nito. Maraming salamat po sa inyo :))

I'm happy kasi pag check ko may 16 reads yung TWC20 (sabihing akin galing ang 5 reads lol) kaya kahit one week pa lang, nag-update na ako.. tas may power vote pa. At OMG! After 1234567890 years! May nag-add kay Cinderella sa kanyang reading list! Wahahahahaha!

Okay, yun lang. May nagbabasa pa ba ng AN? Hoho. Till next UD! Mwah!

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon