Chap. 13: A BIG BIG PROBLEM!!

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ahh ok.." tipid kong sagot kahit alam kong nagsisinungaling siya.. siguro may dahilan naman siya..

"Ohh anak, gising ka na pala.. ano na? kwento mo na yung nangayari asdfhfjkslkjdhahs..." bago pa masabi lahat ni mama, tinakpan ko na ang bunganga nya.. alam ko kasing magagalit si kuya pag nalaman niya..

"Anong nangyari kagabi? meron ba akong dapat malaman?!" omo! nakakatakot si kuya.. kung siya marunong magsinungaling.. aba! di ako magpapatalo no..

"Ahh ano.. kasi di napanuod ni mama yung The Legal Wife kagabi, tinatanong kung ano nangyari.. yun lang yun kuya, bakit interesado ka? ikukwento ko naman ehh kung gusto mo.." ngiti ko sakanya para di siya magduda na nagsisinungaling ako..

"Totoo ba yun ma??" nagdududa parin siya..

"Ahh oo anak.. hehe" sagot ni mama.. haaay buti naman at naka-gets tong si mama.. kung hindi lagot na!

"Bilisan mo.. alis na tayo" sabi ni kuya.. ang sungit! di pa nakakain yung tao ehh.. aish!

"Ma, alis na kami.. sa canteen na ako kakain.. bye bye!" hinalikan ko si mama sa cheeks sabay alis..

Sa SCHOOL..

Unang tapak ko palang sa papasok sa gate.. Kita ko na ang mga chismosang mga schoolmates ko, ano na naman bang nasagap nilang chika? tsss.. teka! teka! ako ba tinitignan nila? Maganda ba ako ngayon? haha.. hindi naman ehh, alam ko yan.. ganun parin naman ako manamit.. tch! nerd parin ako..

Bulong dito... Bulong diyan!

di na natapos ang bulungan.. tsss! deadma na lang.. sa paglalakad ko, may lumipad na coupon bond sa harap ko.. at bumagsak ito sa sahig, nakataob naman ito kaya pinulot ko para makita..

OH NO,!! PLEASE NO! MALI TONG NAKIKITA KO..

"CHLOE HAN: AFTER FLIRTING WITH NATHANIEL, NEXT IS XANDER.. THE GREAT BIG FLIRT!"

May picture ako at ni Nathaniel nung nakatulog kami sa Library at sa tabi naman niya ay ang picture namin ni Xander na magkayakap habang sumasayaw ..

HERE COMES TROUBLE AGAIN, CHLOE!! ~ huhuhu! paano na??

Naglakad lang ako nagpatay malisya.. pero saan man ako pumunta pinagbubulungan ako ng mga studyanteng madaanan ko... Paano ba namang hindi, ehh nagkalat ang pictures ko kahit saan.. sa mga walls.. wala ata akong dinaanan na walang pictures kong nakakalat..

Napadaan ako sa hallway papunta ng building namin, at doon may malaking flat screen TV kung saan linalagay ang important announcements about school activities.. Laking gulat ko na pati yun meron ang pictures namin! Patay!! Napa-face palm nalang ako.. Di ko na lang pinansin at naglakas na ako papuntang room namin..

From Section 12 room papuntang Section 1, dinig ko ang bulungan nila.. Deadma ka lang Chloe, RELAX! Inhale...Exhale! Fighting! 

Lakas loob akong pumasok sa room namin at umupo sa upuan ko.. Andito na si Elaine, ang bestfriend ko..

"Bestie, marami kang dapat ikwento sa akin mamayang recess.. ayieeeeee.." nang-asar pa tong si Elaine

*tok *tok *tok.. tunog ng high heels! Hudyat na andyan na ang mga demonyitang kaklase ko!!

"Well, well, well.. look who's here! the GREAT BIG FLIRT! " - Brittany

"Yeah right! A social climber, NERD na ilusyonada.. panget pa! hahahaah.." - Bianca

Tawanan naman ng buong class., Tumayo naman si Elaine at aktong susugurin na ang 3B's..

"Bawiin niyo ang sinabi niyo sa BESTIE ko.,!"

"Why should we? Ohh poor you! You and your bestfriend, have the same feathers.. And the same feathers, flocks together! hahahaha" - Bobbie..

Di nakapagtimpi si Elaine at sinampal niya si Bobbie..

"Wooooah! Sorry masyado kasing matabas yang dila mo.. gusto mo putulan natin ng kunti.?! pwede manalamin ka muna ng makita mo ang sinasabi mo?!" ganyan talaga si bestie, ayaw niyang inaapi at sinasaktan ang malalapit sa kanya.. kaya thankful ako na bestfriend ko siya..

"How dare you talk to me like that?!! di mo alam kung sino kinakalaban mo!!" - Bobbie

"Puro ka satsat! pa-english English ka pa diyan.. retokada ka naman! di ako natatakot sayo!" palaban na sagot ni Elaine

"BOOOOOOOOOM PANES!" - sigaw ng buong klase.. napa-smirk naman si Elaine..

"Oh ano?! takot ka pala ehh.. takot kang masira yang mukha mong andaming pinaayos! di gaya namin na natural beauty.. tch! wala ka kumpara sa amin.."

"BOOOOOOOOM PANES!" sigaw ulit ng mga kaklase ko..

"SHUT UP!! Whatever! I don't want to waste my time sa mga katulad niyo!!" - Bobbie sabay walk out and flips hair at umupo sa upuan niya..

"Galing mo bestie.. Salamat sa pagtatanggol.."

"Wala yun bestie.. BFF tayo ehh.."

"Kaya love kita.." nagyakapan kaming dalawa..

"Eeeeew!" rinig naming sigaw ng 3B's

"Ohhh ano!!!" aktong susuntok si Elaine pero pinigilan ko na siya..

"Tama na bestie.. ok na ako sa ginawa mo kanina, hehehe! you're my hero! hahaha.."

"Corneh bestie.. hahaha! apir tayo jan.." nag-apir nga kaming dalawa.. ang saya lang talaga every moment na kasama ang BFF ko..

RECESS . . .

"Nag-date kayo.? grabe swerte mo ahh bestie.." kwinento ko na lahat sakanya ang nangyari kagabi sa date namin ni Xander..

"Oo.. sabi niya gusto daw niya ako.."

"Sagutin mo na.. total nililigawan ka naman niya ehh.."

"Shhh! wag kang maingay.."

"Sorry! ano sasagutin mo na ba?"

"Bestie, ayoko muna.. ayoko namang saktan siya pero okay naman kami as a friend muna..  FRIEND lang muna.."

"Aish! ok ok.. support kita, wag mo munang pilitin pag di ka pa ready sa love na yan.."

"Thanks bestie.."

Habang kumakain kami. . .

"Bestie, *pout *pout.."

"Naku! pa-cute ka na naman bestie.."

"Hindi ahh! *pout *pout.." teka sa likod ko siya nakatingin.. tinuturo niya pala yung nasa likod ko.. ano namang meron sa lik----

Omo! Si Nathaniel .. . .. bakit siya andito? Hinigit niya ako patayo.. nagulat naman ako sa ginawa niya..

"Makinig kayong lahat.. I have an announcement to make, Chloe Han and I is officially DATING!!" sabay hawak niya sa balikat ko.. ano bang pinagsasabi ng kumag na to?

"Hoi! ano pinagsasabi mo?" bulong ko.. di naman siya umimik,.

"Sino man sa inyo ang magtangkang saktan siya o kahit lapitan man siya, malalagot sa akin? maliwanag?" tahimik lang lahat ang tao sa canteen.. halatang gulat sila.. Pati nga ako nagulat ehh, sino ba namang hindi?!

Ano na naman ba tuh?? Problema na naman ehh! aish! -_- di lang basta problema...

A BIG BIG PROBLEM..

~TO BE CONTINUED..~

MISS NERD MEETS THE GANGSTER HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon