when love and hate collide

Start from the beginning
                                    

bang: sige, ingat. text mo ko pag nakauwi ka na.

aly: wag mo kong itetext ah. baka mabasa ni den.

tumango na lang ako bilang sagot.

tuluyan ng umalis si aly, narinig ko ang tunog ng kotse nya. hanggang sa mawala ito sa pandinig ko. nakakainis. ang sakit, pero wala akong magawa. totoo nga siguro ang sabi ng iba, pag nagmahal ka, nagiging tanga ka.

--------------------------------------------------------------------------------------------

denden's POV

kagabi pa umalis si aly pero umaga na, hindi pa din sya nauwi. alam ko sobrang nagtatampo na sya sakin, pero hindi pa ko talaga handa na may mangyari sa amin. mahal ko sya, mahal na mahal ko sya, wala ng dapat itanong kung gaano ko sya kamahal, kaya lang, hindi ko pa talaga kaya. alam ko unfair ako sa kanya. at dahil dun naguiguilty ako.

natapos ko ng lutuin ang mga paborito nyang almusal at naghihintay na lang ako sa kanya ngayon sa living room. tinitingnan ko ang cellphone ko pero wala kahit isang reply galing sa kanya. pasado alas- siyete na ng umaga, nagtext na rin ako sa admin ng ospital na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko. totoo naman eh, masama pakiramdam ko. hindi ako nakatulog ng maayos kakahintay kay aly.

ng may marinig akong tunog ng sasakyang tumigil sa tapat ng bahay. agad akong tumayo at binuksan ang pinto. nakita ko si aly na pababa na ng kotse. kakalampas palang niya ng gate namin ay tumakbo na ko papalapit sa kanya. agad syang niyakap ng napakahigpit.

den: bhe..

aly: ano? (matabang na boses)

den: pinagluto kita ng breakfast (pilit akong ngumiti, at tiningnan si aly)

matagal nya akong tiningnan. hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip ni aly. hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. nang sa wakas, pagkatapos ng ilang sandali ay nagsalita din sya,

aly: hindi ka pumasok?

kumalas ako sa yakap ko sa kanya at kinuha ang jacket nya na nakalagay sa braso nya.

den: nag day off ako. i want to spend the whole day with you.

pero blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha ni aly.

aly: pagod ako. gusto kong magpahinga. 

at dirediretso sya papasok ng bahay. naiwan ako sa labas na nakatulala at hindi makapaniwala sa reaksyon ni aly. first time nya itong ginawa sakin. ang tanggihan ako sa alok kong makasama sya.

pumatak ang mga luha sa aking pisngi. pinahid ang mga ito at pumasok ng bahay.

natagpuan ko sya sa loob ng kwarto namin na nagpapalit ng damit.

CAUGHT IN THE MIDDLE - BOOK 1 (BangLyDen - AlyDen with Bang Pineda)Where stories live. Discover now