“Gisingin mo ako pag-10 na ha.” Tinabunan ko ng panyo yung mukha ko para hindi nakakahiya. Hindi na siya sumagot. Ako naman, sinimulan ko ng ifeel yung kanta. Yung unang kanta na narinig ko ay ‘Can’t Cry Hard Enough’. Ayun nakatulog agad ako.

Ang ganda naman ng tulog ko. Dinilat ko yung mata ko at… at… iba na yung katabi ko. Kinusot ko yung mata ko baka kasi nanaginip lang ako, pinikit ko yung mata ko pagkatapos ay dinilat ulit yung mga mata ko. Pero bakit siya parin yung nasa harapan ko. Seroiusly? Bakit siya nandito? Si… 

Kyle.

Bakit siya nandito?  

Tiningnan ko yung paligid namin. At napansin kong kami lang pala ang nandito sa sulok na to. Asan na kaya si Jane, bruha talaga yung babaeng yun. Iniwan ba naman kami dito. 

Tiningnan ko yung mukha niya, bawat angle ng mukha niya. Ngayon ko lang nahalata na ang gwapo pala talaga ni Kyle. Yung mukha niya ngayon, ewan mala-anghel ang dating.  Yung shape ng mukha niya ang perfect.

Tiningnan ko yung lips niya, ang pula, ang sarap halikan. Gosh! Anong ba tong pinagiisip ko, pero… pero totoo, totoo lahat yung sinabi ko. Yung kilay niya, yung labi niya ang sarap halikan, yung mga mata niya kahit nakapikit yun alam kong ang ganda nun, yung labi niya, yung ilong niya ang perfect ng shape. Nasabi ko na ba yung labi niya? Hahaha, I know ilang ulit ko na sinabi yung labi niya. Nakakaadik lang kasi. 

Namiss ko talaga siya, ewan, basta namiss ko lang siya. Yung kakulitan niya, yung pang-aasar niya, yung kagwapohan  niya. Lahat ng sa kanya na miss ko, and to think dalawang araw ko pa siya hindi kasama. Urghhh, nakakainis naman ano ba tong nangyari sakin. Kung na miss ko siya sa dalawang araw naming hindi pagkikita, pano na kaya kung magkabalikan na sila ni Lexie, p-pano na kaya? P-pano na kaya ako? 

Pero isa lang ang alam ko ngayon . . .

Gusto ko na ata siya.

Biglang dumilat si Kyle, kaya pinikit ko yung mata ko. Urghh, ang stupid ko naman, obvious na obvious yung ginawa ko.  

“Wag ka ng pumikit dyn, obvious na obvious kayang kanina mo pa ako pinagpantasyahan.” Dinalat ko naman yung mata ko, nakita ko siyang nakangiting aso. 

“Asa ka.” Di ko napansin na yung isang earphone ko pala nandun sa tenga niya.

GIRLFRIEND for HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon