four

205 3 6
                                    

{ changed the title but plot's still the same } 

 

four

It’s not such a bad thing to fall in love with him

 

 

 

“May nasagap kaming news.” Gigil na gigil na sabi ni Trixie pati ni Aly. Andito kame ngayon sa may bench malapit sa building namin. Almost two weeks na since nung nagusap kami ni Tripp sa Caf. After nung day na yun, talk of the town agad kami. Asar.

“Ano nanaman? Tripp nanaman ba yan?” At sa sinabi ko nakatanggap ako ng batok galing kay Aly. Binabatukan ako ng mga ‘to kapag lagi si Tripp ang buka ng bibig ko. Pero kahit madaldal man ‘to, di ko parin sinabi sakanila yung buhay pagibig ni Tripp kahit nagpaalam na ako.

“Hinde! Ano ka ba, ‘yung upcoming TRIPP…” tumigil tapos tumawa silang pareho pero pinagpatuloy parin nila. “…camping TRIP kuno na eche eche ni Miss Principal. Ayoko nga sumama e kaso nasa listahan na tayo, andun rin naman si Tripp! Hihi.” Ang landi talaga ng mga kasama ‘kong ‘to.

“Alam nyo, ang landi nyo…” Habang nakatingin sa kanilang dalawa sa side ko. Ang laki pa ng mga pwet nito ipit na ipit ako dito sa bench, alam naman nilang maliit lang ‘tong bench e. “Di porket andyan si Tripp ay pupunta na kayo. Basta ako, di ako sasama. Dami ko pang tatapusin no. 4th year na po tayo mga ate, baka nakakalimutan nyo?” Kahit anong sabihin kong patapos, talagang may backfire sila sakin. Inis.

“Tanga. Kaya nga tayo sasama kase additional points yan, pati additional points narin kay Papa Tripp! Ay dejoke. Pero totoo, additional points ‘to Lexy. Di mo maaachieve ang Suma Cum Laude ‘mong goal. Pag di ka pumunta, susungkitin ni Tripp ang pwesto mo.” As of now kase ako nasa top ng list, second si Tripp. Oo nga no, sayang naman kase talaga yung puntos rito kung di ako pupunta, tsaka baka susungkitin talaga ng ugok yung pwesto ko huhu.

“Aish. Sige na nga.” Sabay tayo ko. “Yay!” Sigaw naman nilang dalawa. Kahit kelan napakasupportive talaga ng dalawang ‘to sa pagiging vali ko, hearts everywhere! “Kelan ba announcement nito?” Sabi ko habang naglalakad kami papuntang classroom. “Ngayon ata, after fourth period. Sa gym.” Napa “ahhh” nalang ako kase malapit na kame sa classroom.

“May tanong kame lex. San si Tripp?” sabi ni Trixie, tapos na yung fourth period kaya eto kame patungo na sa gym para sa announcement. Medyo nagannounce ng konti yung adviser naming kanina tungkol sa camping trip kaya mas lalo ako naexcite. Obviously, excited ako kasi ika2nd ko palang ata’ng camping trip ‘to e. Kase di ko naman talaga kailangan, tsaka takot ako sa palaka. Huhu. “Di ko alam e, pasulpot sulpot lang yun, pero di naman sya sumulpot sa classroom kanina.”

Remember that I love you, Tripp Palma.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon