two

359 6 4
                                    

{ changed the title but plot's still the same } 

two

He’s everywhere

 

 

Ikinwento ko naman kena Aly yung nangyari kahapon sa Library kasama yung si Palma, kaya andito kame sa coffee shop ngayon malapit sa school. Nais ko sanang ikwento sakanila kahapon yung nangyari, e, pagdating ko sa Caf nagalisan na sila papuntang gym para sa practice

‘Di ko ba alam, kung bakit ‘tong si Aly at si Trixie, kinikilig kay Tripp. E puros sunget at papogi lang naman alam nun, kung alam lang nila. Badtrip. Supposed to be dinadamayan nila ako, pero heto sila, kinikilig raw at nagseselos kase bakit raw yung coffee ni Tripp ay napunta sakin, bakit raw di sakanila.

“Mapalad ka ngang bruha ka, yung coffee ni Tripp sayo napunta, edi laway ni Tripp nasa shirt mo na rin! O diba, bongga!” Aly

“Langya neto, pati ba naman yung laway ni Tripp gusto ‘nyong kunin! Ano pa bang gusto nyo sakanya?” Sabi ko sakanila ni Trixie

Nagkatinginan yung dalawa tapos ngumisi.

“Siya.” Sabi nilang dalawa.

“Pwede mo ba kameng tulungan?” Sabi pa ni Trixie.

Napatingin nalang ako sa window at patagong napangiwi. Bwiset, pati ba naman dito pinaguusapan pa yung kumag na yun. Dapat kasi stress reliever ‘tong coffee shop na ‘to e, bakit parang lumala ata yung stress ko?

“Oh my god.” Napatingin naman ako kay Aly.

“Tripp!” Agad naman akong napatingin sa may pintuan. Aba, si Tripp nga.

Pagtingin ko naman sa dalawang ugok na kasama ko, aba e kinikilig ng todo. Kulang nalang nga magsapakan na sila sa sobrang kilig. Di ‘ko alam bakit di ko nakuha ‘yang manner na yan. Baka siguro, nakalimutan ko ‘nang kiligin. Lel.

“Hi. Isang hot choco please.” Rinig ko’ng sabi ni Tripp sa may counter. Umiinom rin pala ng hot choco ang isang animal. Di obvious e.

Pagkakuha nya ng order nya, tumalikod sya tapos bumaling yung atensyon nya sa’kin. Papalapit na sana sya sa table namin kaso may nagoffer sakanya ng seat sa may kabilang table. Sa tingin ko batchmate niya.

Remember that I love you, Tripp Palma.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon