[ X ] Diary 02 ( Part 1 )

Start from the beginning
                                    

Magkikita sila ni Martin na isang ka text mate niya. Lalo siyang napangiti sa text nito. Mukhang may mangyayari nga sa kanila. Excited naman siya pero ayaw niyang pahalata dahil baka naman mag-mukha siyang madaling makuha.

Nagsimula ito mga 5 araw bago mag exam week, may nag text sa sun niya na gustong makipagkilala. Sinigurado muna ni May na hindi set-up ang pag text sa kanya kaya hindi siya nag reply.

Pero makulit si Martin at dinaan na sa tawag ang pakikipagkilala. Sinagot naman ni May ang unang tawag ni Martin dahil na intriga na rin siya sa pagpupursigi nito.

Napag-alaman ni May na may nagbigay ng number niya kay Martin pero ayaw nitong sabihin kung sino. Kapag tinatanong, ang sagot ni Martin ay i-finorward lang daw sa kanya.

Sa mga sumunod na tawag ni Martin, nabanggit nito na isa siyang self-employed businessman, 28 years old, 5’5†ang tangkad, slim, at moreno. Hindi naman daw siya pangit, pero hindi naman ganoon ka gwapo. Masarap kausap si Martin at kaya medyo nag-eenjoy na rin si May sa kanya.

Pero kahit picture nito ay hindi pa niya nakikita dahil nga wala naman daw Friendster account si Martin.

Hanggang sa kahapon ay kinulit siya ni Martin na makipagkita.

Nagpakipot si May dahil gusto niya talagang malaman kung sino ang nagbigay ng number niya kay Martin.

Makikipagkita lang daw siya kung sasabihin ni Martin kung paano niya nakuha ang cellphone number ni May.

Sa sobrang gustong makipagkita kay May, umanim na rin si Martin na nakuha niya ang number nito sa isang clinical instructor (C.I.) ni May.

Kaibigan ni Martin si Sir Joseph na siyang isang teacher ni May sa nursing. Nagulat tuloy si May kung paano nalaman ni Sir Joseph ang number niya, pero baka naman nakuha sa ibang mga kaklase.

Pagkatapos matapos ni May ang gawain sa Dean’s office ay nag text na siya kay Martin ng “m done hir. C u in 10 mins sa 2nd gate ng school. Txt me na lang.†Sayang at hindi nakita ni May si Sir Joseph, sana may isusumbat pa siya dito.

Makalipas ang ilang minute, natanggap niya ang reply ni Martin na “m hir outside. Red pick-up. W8 lang ko.†Medyo bumilis ang kaba ng dibdib ni May, excited na nga siya.

Dahil na rin siguro sa boses ni Martin pag nagkikipag-usap siya na talagang bilog na bilog at magaling pang uminglish.

Nag text back agad si May ng “k. punta na me dyan†Lumakad si May patungong second gate ng university at nakasalubong niya ang isang kabarkada na si Rachelle.

“May saan ka pupunta? Nakita mo ba sina Maj at Ley? May tatapusin lang kaming project kasi …†ang pagbati ni Rachelle.

“Nasa gazebo kanina, hinihintay ka nila,†sagot naman ni May.

“Parang nagmamadali ka ‘ata?†ang pilyang sabi ni Rachelle. Kilalang-kilala niya ang kaibigan at parang may kung anong gimik na naman ito.

At ang laging pinag-aabalahan nito ay ang pakikipag-date sa mga lalaki.

“Hihihi, may date ako. Nasa labas naghihintay,†ang walang kiyemeng sabi ni May.

Hindi niya gustong itago sa kaibigan ang gagawin, mas gusto niya pa nga na pinag-uusapan siya ng mga ito dahil pakiramdam niya ay mahalaga siya sa grupo.

“Sama ako, gusto kong makita,†biglang sambit ni Rachelle.

“Ha? Sigurado ka?†gulat na sagot ni May pero hindi niya na rin kayang pagtabuyan si Rachelle nang sumabay na sa kanya palabas ng gate.

Compilation of [ X ] DiariesWhere stories live. Discover now