[ X ] Diary 01 ( Part 1 )

58.8K 95 1
                                    

Dedication ko po kay idol \(^o^)/

- - - - - - - - - - 

  

Nangyari ito noong First Year College si Maja.

Nag-away sila ng boyfriend niyang si Robert dahil nandoon naman siya sa isang internet shop na walang ginawa kundi maglaro ng computer.

Dahil sa sobrang enjoy ni Robert makipaglaro kasama ang kanyang mga walang kwentang barkada, nakalimutan niyang magkikita sila ni Maja pagkatapos ng exams nito sa Philippine Constitution. Ito ang last exams nila bago magtatapos ang First Semester.

Kaklase nila si Robert sa ibang subject bagamat Accountancy ang kinukuha nito, at sa pagkakataong iyon, exempted si Robert sa exams ng Philippine Constitution subject.

Mga 30 minutes na naghintay si Maja sa canteen kasama ang kaibigan niyang si Leyla. Naka ilang miscalls na siya sa kay Robert, hindi pa rin nito sinasagot ang cellphone. Sa sobrang inis, nagpasya si Maja na magpalipas oras sa mall kasama si Leyla.

Mag sa-shopping na lang daw sila para makapag-relax at masyadong nahirapan sila sa exams.

Nag-isip-isip na rin si Maja kung bakit gusting-gusto ng daddy niya na kumuha siya ng Political Science at mag-proceed sa Law.

Siguro dahil na rin na-frustrate ang daddy niya sa dalawa niyang kuya na ang kinuha ay nursing at engineering. Para sa daddy ni Maja, dapat daw may mag-inherit ng kanyang practice at clients.

Sayang din daw ang pinuhunan nila ng lolo ni Maja kung walang magpapatuloy ng law practice nila. Si Maja naman, dahil masunuring bata, pinagtiyagaan na ring kumuha ng Pol Sci bilang preparatory course sa law school.

Sumakay sina Maja at Leyla sa taxi papuntang SM City. Derecho kaagad sa ladies shoes section ng Department Store. Naka ilang try na rin ng sandals si Maja nang biglang may kumalabit sa kanya.

“Maj! Long time no see!â€

Paglingon ni Maja, nakita niya ang isang binatang nakangiti. Mga ilang seconds pa bago niya namukhaan kung sino (dahil siguro pagod na pagod ang utak sa bwisit na exams na yun).

“Eric?†mahinang tugon ni Maja. “Ikaw na ba yan?â€

“Ganda mo ah! Sexy mo pa rin.†Sagot ni Eric, sabay urong ng konti para mapagmasdan ang porma ni Maja. “Mali talaga ako.†Panghinayang niyang salita. Si Ericson Lacson, kauna-unahan boyfriend ni Maja.


Galing sa isang exclusive school dito sa Bacolod, mayaman, matangkad, matalino, may bahid ng lahing Kastila sa kanyang physical features, pero, ang ayaw ni Maja sa kanya, isang true-blue mama’s boy.

Compilation of [ X ] DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon