Camera's Shot

2.7K 65 8
                                    

Product of boredom. Hehe read if you want. Thank you

- -



"Sey naman eh! Dali na please? Sama ka na sakin! Dyan lang tayo sa tabi tabi! I know that you love me!"

"Yoko nga Ree mi labs. Saka please lang, mas mahal ko si Jared ko. Wag ka nga."

"Ganyanan eh. Dyan ka na nga! DI kita ililibre mamaya!"

"AY WAPAK. WAG NAMAN OY!"

"Tseeee~"











Okay. Kukuha ako ng pictures for our school project kaya ko inaaya college best friend kong si Sey na mag picture.


Mas mahirap nga yung kukunan ko ngayon ko eh. Guess what? Mga candid. It means na di alam nung subject na pinipicturan mo sya. Haaay, amateur pa naman ako pagdating dyan, malabo rin mata ko kapag malayo tinitignan.



Nakarating na ako sa wakas sa park. Kaya ang ginawa ko, nagtago ako sa may damuhan malapit sa isang puno. May nakita na akong isang subject na pwedeng kunan. Yung lalaking nakahiga sa may puno at nakaheadset. Gwapo naman kasi malabo mata ko.











*Click*











Bakit. may. flash. pa. to. Konti lang kasi tao ngayon sa may park. Medyo pagabi na kasi. Pero maraming gwapong gumagala. Kaya rinig na rinig yung flash. Flash pa naman nito... Haayst, wala na. Magigising na sya..









Bakit parang.. di sya nagising? Ay tanga. Malamang may headset pa eh. Okay. OA lang naman ako. So, kukuha pa ako ng shots. Pero dapat mas malapit.







**Lapit lapit lapit







Di parin nagigising? Aba tibay nito ah. Sana may mahulog galing sa taas para magising sya. Kidding, wag muna. Kukuha muna ako ng pictures ng gwapo nyang mukha, angle, ano ba pa? Ahehe.





"Kanina ka pa dyan no? Istorbo."  AY OKAY?



"H-ha? Di ah! K-kakarating ko palang! Ahe--"

"Pfft. Wag ka mag-alala. Okay lang sakin, Ree. Hahaha!"





Huh? Ree?

Konti lang kasi ang tumatawag sa nickname kong "Ree"..











Lumapit pa ko para makita nang maayos mukha niya. Shit. Sobrang focus yata ako sa ginagawa ko kaya di ko siya namukhaan.











"G-gian..?"










"Yes?"













Seryoso? I can't believe na..









-

Sino si Gian sa buhay ni Ree? Confidential na yun. Chz. Read on!

-

"Hoy, kailan ka pa umuwi dito sa Pinas?" casual kong tanong kahit gulat na gulat talaga ako.

"Nung isang araw lang. Dapat nga issurprise kita sa school niyo pero ako pa tong nasurprise sa pinaggagawa mo kanina." Pinipigilan niyang tumawa pero halata namang tawang tawa siya. "Hahahaha! Buti na lang ako pinipicturan mo. Paano kung ibang tao? Mukha ka kayang stalker."


"Excuse me. Sa ganda kong to, stalker lang??? Baka nga hingin pa number ko pag nagkataon." Inirapan ko siya at kinuha yung headphones sa tenga niya. "Huling sayaw by kamikazee? Oh, fav song natin to ah?"

Eto kasi yung kanta namin nung JS Prom. Pareho kaming walang jowa kaya no choice, kami magkapartner. Sumayaw lang kami nang sumayaw nung gabing yun kasi 1) ganun naman talaga kami 2) last night na nya nun sa Pilipinas.

"Yup, pinapakinggan ko yan kapag namimiss kita." Tinignan nya ko sabay ngisi. "Joke lang! Kinilig ka na naman no?"

Nakakainis, kilalang kilala nya talaga ako. "Ilabas ko kaya mga baho mo sa fangirls mo? Nakakainis ka kahit kailan." Pabiro ko syang inirapan. Ako lang naman yata nakamiss dito eh.


"Uy syempre namiss kita. Childhood bestie kita eh."

Yup, childhood bestfriend. Hanggang dun lang naman kami.

Nagmeet kami dahil magkaibigan din parents namin. Palagi na kaming magkasama ever since 4 years old ako. Same kami ng grade school, high school. College, dun na kami naghiwalay ng landas. Nag-aral siya sa US dahil naging maganda offer sa kanya ng tito niya. 3 years na nakalipas, ni isang beses di siya bumisita dahil sobrang busy sya. Okay lang din naman kasi lagi kaming nag-uusap through video chat.

Sabi niya na after niya grumaduate saka siya bibisita kaya nagulat talaga ako nung mamukhaan ko siya.



"Ba't nga pala napaaga uwi mo? Baka nagccutting ka ah!"



"Namiss ko lang dito." Bigla nya naman kinuha yung camera na hawak ko. "Patingin nga ng pictures ko, baka panget ako dyan." Tinitignan na nya yung pictures kaya napatitig ako sa kanya. Parang may iniiwasan syang sabihin kaya tinanong ko ulit siya,



"Ba't nga napaaga uwi mo? May nangyari ba?" Seryoso kong tanong kaya napatigil siya sa pagtitingin ng pictures.








Kala ko sasagutin niya ako pero inangat niya yung camera tas bigla akong pinicturan. "Hoy... di ako ready!"















"Alam mo, gustong gusto lang talaga kita makita, makasama. Ang hirap kaya magpigil for three years.. Actually, all these years. Takot kasi akong mawala ka sakin pero naisip kong mas manghihinayang ako kung di ko manlang sasabihin.

Gusto ko may picture tayo pagkaamin ko sayo. Baka kasi yun na yung huling picture natin bilang magkaibigan.."

















*click











"Oops, napicturan. Hihihi." Naririnig ko yata boses ni Sey pero di ko na lang pinansin. Hinayaan ko na lang na lumipas yung moment na yun na hinding-hindi ko makakalimutan. Niyakap ko lang si Gian habang naiiyak ako at hinalikan niya ako sa noo.










"Mahal kita, Ree."

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon