CHAPTER TWENTY-FIVE

1.7K 66 0
                                    

Icel's Pov

" Hoy! Ice, Hintayin mo nga ako!!!!! pagkatapos kong magpakahirap para lamang saiyo . Ito lang gagawin mo sa akin? iiwanan mo nalang ba ako sa ere. Ano ba Ice?nakikinig kaba? Yan ka nanaman sa hilig mo eh, Ang mangdeadma. nakakasakit ka na ha........Ouch Aray naman!!!!"sinaman ko ng tingin ang nangbatok sa akin. panira ng moment eh. kung siya kaya ang nagmomoment at batukan ko siya diyan..

"Wag ka ngang magdrama diyan.. Iniwan na nga tayo ni Kuya, Bilisan mo na nga" Ang hilig nila akong walk outan ngayon. ano bang problema nila sa akin. eh wala naman akong ginagawang mali ha, ang damdamin ko'y kanilang paulit -ulit na sinaktan huhuhu

"Cindy! Ano ba bilisan mo nga maglakad diyan baka matalo pa tayo" Napairap nalang ako sa sigaw ni Anne at dali dali na akong pumunta sa gawi nila. speaking of ang nilalaro namin ngayon ang ang maghanap ng? ng ano bayon basta treasure.. Bilis noh ganyan talaga ang buhay ang bilis magfast forward haysss

"Tigilan mo na nga ang pagdadrama diyan!!!!" Naku po nasigawan na naman tayo

"OO na, oo na...wait ano nga ba ang hahanapin natin?" this time, siya naman ang napairap saakin at inexplain ang dapat hanapin pero bago yun hahanapin ko muna yung yelong yun. Anong klase siyang ka grupo namin nila Anne at Bryan. Nang-iiwan lang pasalamat siya nako.....

Napalinga-linga ako sa paligid ko, nagbabasakaling makita siya ng mata, at nagtagumpay naman ako kaya sinabihan kosila Anne at pumunta kami ngayon sa pwesto ng kuya niya

"What? may nahanap na ba kayo?" Wow! straight to the point kanaman koya kakalapit lang namin sayo eh, petmalu ka

"yup! may tatlo na akong nahanap"-Bryan

"Sakin isa lang!"-Anne

Napansin naman nilang n=hindi ako makatigin sa kanila. patay kang bata ka hindi ka naghahanap ng treasures. yan ka kasi eh.

"Ah-eh hehe" napakamot nalang ako sa batok ko ng wala akong masabi at nag-irapan lang silang tatlo. Ay ansama hmmp.

-----

may 13 na kaming nahanap at medyo makulimlim na ang langit ngayon at nakakapagod narin

"Kuya, Bryan pahinga muna tayo!" sumang-ayon nman kaming lahat sa sinabi ni Anne. sabagay nakakapagod rin kaya paikot-ikot dito sa gubat para lang mahanap ang treasure tresure nayan. sa dami pa kasing laro bakit gnito pa talaga ang naisip ng guro namin hayyys

"Cindy tara na, mukhang uulan pa yata ngayon" napabalikwas ako ng marinig ang boses ni Anne, hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako dahil sa pagod

Tumango nalang ako sa kanya at sumunod na sa kanila, pansi ko lang ha kanina pa hindi nagsasalita ang dalawang lalaking ksama namin, haist ewan ba't ang dami kong napapansin sakanila, nakakaloko sila

Napahinto ako sa paglalakad ng bigla sumakit ang ulo ko, kaya napahawak ako nito at napapikit nalang.. ano ito? aist sisuro pagod lang ito tama, tama! yun lang yun.

Napatalon ako sa gulat ng biglang kumulog at kumidlat, at napalinga-linga rin ako. bakit wala sila Ice dito? nasaan na sila , bakit nila ako iniwan mag-isa dito..

"ICE!!!!!!!!!, ANNE!!!!!!!!!!!!, BRYAN!!!!!!!!!! NASAAN NA KAYO?!!!!!!!!!!" tawag lang ako ng tawag sa kanila pero hindi ko parin sila makita, paano na ako hindi ko alam ang lugar na ito . anong gagawin ko ? natatakot na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.

lakad lang ako ng lakad dito ng matapilok ako kaya naiyak na ako dahil sobrang natatakot na ako..at buwiset na kulog at kidlat sinabayan pa ako isama niyo pa ang ulan.. mamamatay nalang ba ako dito? hanggang dito nalang ba nag buhay ko?

nilalamig na ako at hindi ko kayang maglakad ngayon, parang namamanhid na ang buong katawan ko..ni hindi ko nga alam kong hinanap ba nila ako o may naghahanap ba sa akin. pero isa lang ang tumatakbo sa ang isipan upang sagipin ako sa nakakatakot na lugar na ito

"..ice" mahina kong banggit at unti-unti ng ipinikit ang aking mata.

To Be Continued

Mr. Cold And Ms. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon