Your Driving Me Crazy

4.9K 17 0
                                    

Your Driving Me Crazy

GENE's POV

Di ko alam kung san ko sya dadalhin. Gusto ko syang iuwi sa bahay at itago sa kwarto. Pero di pwede...magagalit mommy ko. (Mama's boy kasi ako kahit 25 years old na ko.) Nakakatuwa talaga kong babae na to. Kapag binibilisan ko ang pagmamaneho, sumisigaw ng "ay, ay anu ba yan Gene...dahan dahan naman!" Tapos hihigpitan pa lalo ang kapit sakin na halos dikit na dikit buong katawan nya sakin. Lalo na yung malambot na dalawang chocolate hills. Damang dama ko pag napapakapit sya. Lasa rin kayang tsokolate yun pag tinikman ko...I wonder how does it feels when I suck it. Wah! Gene! Concentrate nagmamaneho ka, baka mabangga ka.

Kasalanan kasi nitong babae na toh. Naaamoy ko pa naman yung cologne nya. Amoy baby! Hmm...kakagigil! Baka sya makain ko ng di oras lalo't ginutom nya ko sa pag-aantay.

"Gene, dyan nalang tayo sa fastfood na yan kumain. Nagugutom na ko eh" lambing ni Pie.

"Okay lang sayo na dyan kumain? Sige ipaparada ko. Hawak kang mabuti ha. Mahigpit ah" pilyong sabi ko sabay nakalolokong ngiti.

Kumapit naman sya at lalo akong natuwa at parang may nabubuhay sa ibaba ko. Tsk. Ibang klase talaga tong babae na to. Nakakabuhay ng dugo. Whew! Mabigyan lang ako ng pagkakataon, di ko talaga sasayangin.

"I've changed my mind. Itake out mo nalang ako ng bucket ng fries dyan tapos dun tayo kumain sa gusto mo" biglang bago ng isip ni Pie.

"Anu ba yan? Gutom na ko oh. Tsaka medyo malayo pa yun dito. Lalo tayo magugutom."

"Sige ganito nalang, order mo ko dyan tapos itake out mo yung saken. Dun pa rin ako sa isa kakain. Ikaw kung gusto mo kumain ka na dyan. Samahan nalang kita sa loob. Deal?"

"Sure ka na di ka kakain? O sige bahala ka magutom habang pinapanood mo ko. Lika na." Bigla kong hinawakan ang kamay nya at dinala sa loob.

PIE'S POV

Hinawakan nya kamay ko at hinila papunta sa loob ng fastfood chain. Wah! Ang init ng kamay nya. Nakuryente ata ako at sobrang pula ng pisngi ko.(Bukod sa blush on na nilagay ko kanina.) Shit! Natetense ako...mas nakakatense pa nung tumingin samin yung mga tao sa loob. Napanganga sila. Gusto ko silang sigawan. Lalo na yung mga babae na halos tumulo laway sa kakatingin."Haller! Di sya pagkain! Tao sya at akin muna sya! Tignan nyo magkaholding hands pa kami!" Yun yung gustong gusto kong isigaw kaya lang nakakahiya.

Dinala nya ko sa pandalawahang upuan at panay parin tingin nila kay Gene.

"Okay ka lang? Bakit ka nakasimangot dyan? Gutom ka na rin noh? Hehe. Dito na tayo kasi kumain." Nakangiti nyang sabi.

Wah! Ang pogi! Buti nakaupo na ko kasi baka malaglag na talaga bikini ko. Nakasimangot ako dun sa mga nakanganga na mga babae. Spell NGANGA! (*0*)

Di yan pagkain! Ang kulit naman! Si Gene naman lalong nagpapacute nung dumaan sa kanila papuntang counter para mag-order.

"Ang gwapo! Parang artista. Sana ako nalang girlfriend nya. Di naman kagandahan si ateng kasama niya. Malaki lang boobs." Narinig kong sabi nung babaeng mukhang likod ang harap.

"Gaga baka naman PA nya si ate. Kaya magkasama kasi model si kuyang poging. Akin ka nalang kuya! Araw araw paliligayahin kita!" Sabi nung hitad na babae na nakabraces ang ngipin pero babaeng bersyon ni Babalu.

Nakakaawa naman tong mga ilusyunada na to. Yung isa walang makakapa ang bf nya. Pantay na pantay ang tyan at boobs hehe. Yung isa naman may taning na buhay. Sa tulis ng baba ni ate...isang nakakabiglang aching lang. Tusok ang pusok haha.

Lalo ko pang tinaas ang dibdib ko. Stomach in...chest out! Bigla akong sinimangutan ng dalawang mahadera!

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon