Wala siyang maintindihan sa mga sinabi nito. Hindi siya nagsalita at tiningnan lang ang babae. Baka naman nananaginip lang siya. Nasa bayan na ba talaga siya? Bayan na ba talaga ito? Itong lugar ay sa telebisyon niya lang nakikita noon!

Totoong tao ba ito?

"Totoo ka ba?" mahinang bulong niya habang hindi inaalis ang tingin sa babae.

Itinaas niya ang kaniyang kamay at mahinang sinundot ang mapulang pisngi nito. Nanlaki ang mga mata nito nang dumampi ang daliri niya sa balat nito.

Hindi ito imahinasyon! Totoong tao ito at hindi lang ito isang larawan sa libro! Napaatras ito at mukhang nagulat dahil sa ginawa niya.

"Hey! A-Anong ginagawa mo? Baliw ka ba? Why did you poke me? I think you're crazy! I think you really got struck by a lightning! Sa'n ka ba galing and why are you looking at me that way? I mean, alam kong maganda ako, but the way you stare at me is really creepy! And to think that I even saved your life! Oh, my goodness!" sunod-sunod nitong sabi sa kaniya. Bakit nag-I-Ingles ito? Ang bilis nitong magsalita at hindi niya ito lubos na naintindihan. Mukha rin itong galit at gulat sa kaniya.

Hindi niya alam kung papaano niya ito kakausapin. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang may kumausap sa kaniya na ibang tao. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya at kung papaano niya ito pakikitunguhan.

"Pa-Patawad, T-Tao. Hindi ko sinasadya na hawakan ka," kinagat niya ang kaniyang labi niya at napayuko na lamang dahil sa hiya. Tama ba ang sinabi niya? Hindi niya alam ang sasabihin niya! Kabago-bago niya pa lamang dito ay napahiya na kaagad siya.

Ilang sigundo itong hindi nagsalita at siya ay nakayuko pa rin. Hindi niya ito kayang tapunan ng tingin.

"Tao? Tao? Tao nga pala ako!" anito sabay halakhak na para bang isang katatawanan ang isinambit niya.

"Okay lang 'yon," narinig niyang sabi nito pagkaraan nang ilang sandali kaya naman inangat niya ang kaniyang tingin para salubungin ang mga mata nito. Ang ganda ng mga mata nito at mas nakadagdag pa sa ganda niyon ang mahaba nitong pilik-mata at nakakorteng kilay.

"Maraming salamat. Malaki ang utang na loob ko sa iyo dahil sa ginawa mong pagligtas sa akin. Hindi ko lubos akalain na muntik na akong mapahamak."

Napatulala ito at marahang napaawang ang bibig habang nakatingin sa kaniya na para bang nakakita ito nang bago sa paningin. Hindi naman siya nakakatakot. Hindi naman siya kakaiba sa mga taong ito—sa kaniyang palagay. O baka naman ngayon lang din ito nakakita ng tao kaya ganoon na lamang ang reaksyon nito.

"Wala i-iyon. Ginawa ko lang ang nararapat," sabi nito habang nakatitig sa kaniya ngunit bigla itong napangiwi.

"Ew! Ew! Ew! Gosh! Seriously? Ano ba 'yan! Nahawa tuloy ako sa 'yo. Ang lalim mo naman kung magsalita. Para kang sinaunang tao."

Ako? Sinaunang tao? May ganoon ba?

"Hindi ka naman nasaktan, right? Okay. Anyways, I'll just leave you here. Bye!" dagdag nito at tumalikod na.

Aalis na ito? Hindi maaari dahil wala siyang kakilala rito at hindi niya kabisado ang lugar!Susundan na sana niya ang babae nang bigla na lang dumaan ang mga tao sa kaniyang harap.

Hinanap ng kaniyang mga mata ang babaeng tumulong sa kaniya ngunit bigla na lamang itong nawala sa kaniyang paningin.

Saan na ito pumunta?

"Sandali p-po..." tawag niya sa isang babae na dumaan.

"N-Nakita mo po ba ang kausap ko kanina? Babae rin siya na may magarang kasuotan. G-Ganito kataas," tanong niya sa babae. Itinaas niya pa ang kamay niya para malaman nito kung gaano kataas ang babae kanina ngunit tiningnan lamang siya nito nang may pagtataka sa mukha.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Where stories live. Discover now