Chapter 10: THP Accomplished

565 8 1
                                    

All Rights Reserved to PrincessPianist_HCMC. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted, in any form or by any means, or by stored in a database or retrieval system, or any form of copying without the permission from the AUTHOR.

©PrincessPianist_HCMC2014

__________________________________

A/N:

This Chapter is dedicated to BhieJheiTheThird na naghihintay ng next update and to CK TwenTtwo for always reading my story and voting..

Sa mga readers.. Minsan paramdam din kayo para makakuha ako ng feedback.. Kahit through voting! I will appreciate it a lot.. ^_^

Happy Reading..

_________________________________________

Andrea

Pagka-alis ni Eliz at Stephen ay pumunta agad kami sa Immigration para alamin kung okay na ang papers ng "The Heart Piano." Kakaiba din pala magdeliver ng ganitong kamahal na bagay. Parang tao lang mas madami pa ngang dinadaanan kaysa sa tao bago makalabas ng airport.

"We are here to secure "The Heart Piano".We just want to know if it is already released now?" tinanong ko yung babae sa Immigration.

"Yes, it was already released. They are putting it now on the delivery truck." sagot ng babae.

"Okay thanks!" I replied.

Pumunta agad kami sa truck na magdedeliver sa "The Heart Piano." Pero pagdating namin doon walang laman ang truck.

"Where is the heart piano?" tanong ni Brian sa mga tao ng delivery service.

"Sir, they told us it is still inside because there’s problem with the papers." sagot nung pinaka-leader nila.

"Huh? They told us it is already here on the truck." sagot ko.

 Maya-maya ay may dumaan na truck na kamukha ng truck na dala nila. Kinutuban na ako. Galing ito sa loob ng airport.

Di na kami nakatiis ni Brian at pinuntahan na namin ang naka-incharge sa shipping ng "The Heart Piano". Laking gulat namin sa sinabi niya.

 "Who are you? There were 3 agents that just get the “Heart Piano" just now. They already put it on the delivery truck and just leave. They present the papers to us and it is okay.”  sabi sa amin.

"What? We are suppose to be the agents that will deliver the “Heart Piano. These are the original papers to prove it." pinakita ko sa kanila.

"Naku miss. Eh yung kanina may pinakita din sa amin na ganyan. Parehas na parehas ang nakasulat." sagot nito sa amin. Sheesh. Marunong naman pala magtagalog. Kanina pa ako dinudugo sa kaka-english dito. Filipino din naman pala.

"Patay nasalisihan tayo. Anong oras po kinuha ang "The Heart Piano"?" sabi ni Brian.

"Ngayon, ngayon lang mga 20 mins ago." sagot nito sa amin.

"Salamat. Tara Brian baka maabutan pa natin. Tama kutob ko iyon yung truck na dumaan kanina sa harap natin."

Kinontak agad namin si Nate. Na-trace naman niya agad ito sa tracker. Pero medyo magulo daw ang direction parang alam daw ng kumuha nito na may tracker ito.

Tinawagan naman namin ni Brian yung dalawa. Pero walang sagot, mukhang nakatulog ang dalawa. Kaya kami na agad ang kumilos ni Brian. Papunta daw ito sa Avenue Des Nations Unies. Pero pagdating namin doon wala naman ito doon.

My Ex is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon