Chapter 23: I'll Be Fine

414 11 3
                                    

All Rights Reserved to PrincessPianist_HCMC. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted, in any form or by any means, or by stored in a database or retrieval system, or any form of copying without the permission from the AUTHOR. 

©PrincessPianist_HCMC2014

___________________________________

AUTHOR'S NOTE:

 Happy 7.1k reads..so far ito ata ang pinakamahaba kong nasulat na chapter 3,000 + words. lol..

Thanks for reading MESA... Don't forget to vote and like my FB page...

https://www.facebook.com/prinsesangpianista

Happy reading.. ^_^

____________________________________

Andrea

Habang kami ay nasa byahe pinapakingan ko maigi ang usapan ng dalawa. Humahanap ako ng clue kung saan nila ako dadalhin.

Kring… kring.. kring..

“Hello?” boses ni Brian ang nagsasalita.

 “Yes Boss. Nakuha na namin siya ngayon. On the way na kami diyan.”

“Po? Okay! Ano pong order niyo? Ok po. Dadaan na lang kami sa drive-thru. Okay. Bye!”

“Ayos din ito si Boss. Saan ka nakakita ng may kinidnap na nagpapa-order pa?” sabay tawa nito.

“Hoy! Inaasar mo ba si Boss. Umayos-ayos ka ha. Hindi porke't tatlong taon ka na sa THA hindi ka makakatikim ng bagsik ni Boss.” tila naasar na sagot ng kasama ni Brian.

“Hindi naman Pare. Unique nga si Boss eh. Di ba Andrea?” biglang tanong nito sa akin. Hindi naman ako sumagot dahil nag-iisip ako ng paraan para makatakas sa dalawang ito. Nag-iisip ako ng posibleng lugar kung saan nila ako dadalhin.

Parang narinig ko na lumiko na sa isang Drive-thru ang sasakyan. Teka, ano nga bang fastfood ang 5 minutes lang mapupuntahan mo na from my house?

“ 12 order ng spaghetti with chicken, lahat paki upgrade ang drinks gawin mo ng float tapos 12 din na french-fries.” order nung lalaki.

Ummm. Jollibee ito. Saan nga ba ito banda? Tingin ko nasa may Luneta kami. Alam ko na from here kung saan nila ako dadalhin. May 3 hide-out base ang The Hidden Assassins Syndicate na malapit dito.. Ang isa ay sa Grandstand meron silang underground place doon na walang nakakaalam. Ang isa ay sa Quiapo church at ang isa naman ay sa Binondo.

Nang makuha na nila ang order ay natahimik ang dalawa. Pero pagkalipas ng ilang minuto ay biglang nagsalita si Brian. Grabe ang hirap ng nakapiring ka. Para kang bulag.

“Pare, bakit ba  galit na galit si Boss dito?" tanong nito.

" Malaki talaga galit ni Boss diyan. Dahil sa kanya muntik na kaming mabuwag." sagot nito.

" Ganun? Pero bakit sa lahat ng pinadukot niya eh siya lang yung gustong buhay ni Boss?" patuloy ni Brian.

" Ahhh.. May gusto kasi si Boss diyan. Kaso pakipot masyado yan. Biruin mo tinuruan ni Boss yan gumamit ng lahat ng armas at martial arts. Pati pagpapatakbo at lahat ng koneksyon ng The Hidden Assassins alam niya. Dahil gusto siyang gawing kapartner ni Boss at gawing Misis. Kaso loko yan. Trinaydor si Boss. Bigla na lang naglaho at ng ipahanap ni Boss eh ayaw ng bumalik tapos siniwalat pa sa mga police, pia, cia at lahat ng agency ang operasyon ng THA. Ewan ko ba kay Boss bakit binuhay pa yan." paliwanag ng lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ex is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon