Kataksilan ang siyang Ugat

6.4K 81 0
                                    

Chapter1

Flying back home--

Nagdesisyon si Reyna Lynvy na umuwi sa Pilipinas pagkatapos malaman na ang anak ng Daddy niya sa labas ang namamahala sa isla nila at mananatili siya sa islang iyon.Kung pakaiisipin ay wala siyang ibang pagpipilian sa ngayon.

At ang Prince Hanz na iyon ang susundo sa kanya sa airport dahil sa lakas ng buhos ng ulan.At halos lubog na sa baha ang mga lugar na madadaanan at siguradong matra-traffic siya sa daan,aabutin siya ng siyam-siyam bago makauwi sa kanilang mansiyon.

Bago siya mananatili sa isla.Ayaw niyang umalis sa isla,ano ang malay niya kung ano ang gawin ng lalaking ito sa isla niya?
Siya lang ang nag mamay-ari ng isla na iyon at wala ng iba.
Sila ang una sa mga islang iyon kahit tignan pa ng mga tao sa kasaysayan!

At yaman din lamang na wala namang private army ang lalaki ay mas maganda pang huwag na siyang umalis doon.Kailangan siya nitong kausapin ng matiwasay na paraan,isang pag-uusap kung saan ay magkakasundo silang dalawa.

Madali naman siyang kausap.Kung magkakaroon sila ng  isang maayos na kasunduan,bakit hindi niya ito pagbigyan?Puwede naman iyon.Mas maganda pa nga--ito ang magde...-develop,hati sila isla.
Why not?

Habang nasa byahe ay nakatulog siya at pagmulat niya ng mga mata ay sa isla siya dinala ng lalaki. Hindi pa niya na-e-empake ang mga gamit niya kaya wala siyang damit na gagamitin pero may damit sa sampayan sa likod ng bahay.Siyempre damit ng lalaki ang naroon.Pagkatapos magbihis ay na-curious siya kung ano na ang loob ng kabahayan nila.

Mayaman ang Papa nila,mayaman ang angkan kaya naman naging malago ang isla dahil sa mga turista na dumadayo doon.Ang hindi niya matanggap ay bakit sa anak ng kabit niya ito ipinamahala.

At siya na tunay na anak ay kaylangan  pang makipag-agawan sa kanilang sariling isla.
Ang dami niyang tanong.
Kung cooperative lang sana ang lalaki at sasagutin ang kanyang mga katanungan.

Nagugutom na siya.Dahil ayaw niyang katukin ang lalaki ay nagpasya siyang manguha na lang ng pagkain sa isla.Bata pa siya ay iyon na ang ginagawa niya.Pinuntahan niya ang lugar kung saan may mga tanim na kamote.Sagana parin ang lugar na iyon.
Nakiluto siya sa dirty kitchen ng lalaki.Open iyon at malaya siyang nakakilos.

"What the hell do you think you're doing in my clothes and in my kitchen?"

Bahagya siyang kinilabutan sa pag-aalala,ngunit naisip niya kung ipapakita niya rito na takot siya ay lalo lamang nitong maiisip na maari siya nitong pagtaasan ng tinig at matakot na siya.Laking US yata siya.Alam niya na kaylangang mayroong angas ang isang tao upang hindi agad nadadarag.

"Ayaw mo akong pahiramin kaya nanghihiram ako ng kusa.Kaysa mamatay ako sa pulmonya,di ba?At dahil nagugutom narin ako,wala man lang inalok na pagkain sa akin,ako nalang ang kusang gumawa ng paraan.Mabait akong bisita,eh."

"Hindi ka bisita dito.You are not welcome here.In short,you are a tresspasser."

"Ang tresspassing,nagtitirik ng bahay sa lupang hindi kanya.Ako,isla ko ito.Ikaw ang tresspassing dito!"

"I have bought this island....Ugh!
Why am I even explaining this to you?Kukuha ako ng restraining order ni hindi mo puwedeng mabisita ang isla.Gano'n  ang gusto mo?"

Kataksilan ang siyang UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon