Kaagad naman nanlaki ang mga mata ko.

“What?!” hindi makapaniwalang tanong ko.

“I think you forgot that we’re getting married soon.”

Kaagad nalaglag ang panga ko sa narinig.

“A-Ano?!”

“Kung ayaw mong i-set ko ng maaga ang engagement party natin, better stop entertaining Storm. Got that?” Seryosong saad niya at saka ako hiniwakan sa may wrist ko at hinila pabalik sa kwarto kung saan siya nakaconfine.

Pagdating namin sa tapat ng kwarto ay hawak-hawak pa rin niya ako at papasok na sana kami sa loob pero natigilan ako nang bigla siyang huminto sa pagpasok. Tiningnan ko ang mukha niya at napansin kong napakunot ang noo niya.

Umatras siya sandali dahilan para mapaatras din ako. Nagulat na lang ako nang agad niya akong binitiwan at hinarap.

“Something’s wrong. Dito ka lang. Do not go inside. Do not follow me. Understand?”

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa asta niya. Hindi ko magawang sagutin siya dahil sa pagkabigla. Hindi na niya ako hinintay pa at dahan-dahan siyang humarap sa may pinto at tahimik na pumasok roon. Nang makapasok na siya ay hindi niya gaanong naisara ang pintuan dahilan para masilip ko kung ano ang nangyayare sa loob.

Tahimik akong sumilip sa may pintuan at nakita ko ang mga kaibigan ni Jack na tila naging mga estatwa at hindi manlang gumagalaw. Napansin kong lahat sila ay nakatulala at nakatingin lang sa kama ni Jack. Kaagad kong inilipat ang tingin sa kama at nakita ko roon ang isang papel.

“Nandyan na ‘yan pagkabalik namin.” Wika ni Israel.

“Nandito lang rin siya sa hospital at binabantayan tayo,” saad naman ni Drake.

“Did you notice anything wrong around us?” tanong naman ni Jack.

“Wala naman akong napansin. Miski na sumusunod ay wala akong napansin.” Sagot naman ni Andrew.

Lumapit si Jack sa kama at kinuha ang papel na nakapatong roon. Kaagad akong napatakip sa bibig ko nang maalalang nakatanggap na rin ako ng katulad ng papel na iyon. Ang papel kung saan ay nakalagay ang pangalan ni Thunder at nakapaloob sa sulat na nasa kanya ang kapatid ko.

Binuksan ko ang pinto upang pumasok pero laking gulat ko nang sa sandaling paghakbang ko ng isa kong paa papasok ay kaagad na may humatak sa akin at marahas akong isinandal sa may dingding at agad kong nakaramdam ang isang matulis na bagay na nakatutok sa may leeg ko.

“S-Summer?” Gulat na tawag ni Justine sa pangalan ko na siyang kasalukuyang tulak-tulak ako against the wall at may hawak-hawak na patalim na nakatutok sa may leeg ko. Kaagad siyang napaatras nang makilala ako. “Jeez, I’m sorry. I thought you were someone else.” Paliwanag niya.

Kaagad akong nagpakawala ng malalim na paghinga at nanginginig na napahawak sa dibdib ko. Mabilis na lumapit sa akin sina Drake at Andrew at hinawakan ako dahil tila matutumba ako mula sa kinatatayuan ko dahil sa gulat at takot.

“I’m sorry. I didn’t mean to scare you.” Paghingi ng tawad ni Justine.

“Hey!” sigaw ni Jack at mabilis na lumapit sa amin. “Do you guys know who you are touching? Let go of her arm!” Utos niya kina Drake at Andrew at kaagad akong hinila papunta sa kanya.

Napa-iling na lang ang mga kaibigan niya sa ginawa niya. Inis niya akong tiningnan at iniangat ang baba ko upang suriin ang leeg ko kung nasugatan ba mula sa patalim ni Justine.

“Damn, woman. I told you to wait outside.” Galit na sermon niya.

Hindi ko na napigilan pa ang hindi mapakapit sa braso niya. Pakiramdam ko ay matutumba ako dahil sa panginginig ng mga tuhod ko matapos ang ginawa ni Justine. Hindi halata sa kanya na kaya niyang gawin ang tulad ng bagay na ‘yun. Sa palagay ko kasi ay siya ang pinakabata sa kanila at mukha ring maamo ang mukha niya. At isa pa, siya ang mukhang pinakamatino at tahimik sa kanila.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTWhere stories live. Discover now