Chapter 15

5.8K 107 3
                                    

Chapter 15:





SABRINA'S POINT OF VIEW






Nang makarating ako sa hotel na tutuluyan ko ditto sa Paris hindi ako mapakali. Feeling ko may mali? I missed my baby Marco gusto ko man silang tawagan kaya lang baka tulog na 'yun dahil gabi na sa Pilipinas. Sana maayos lang siya at hindi pinapabayaan ni Aiden.


Gusto ko mang isama dito si Marco pero baka malungkot lang siya at marami akong aasikasuhin. Isa pa baka maalala lang niya si Mae dito. Dito kasi kami pumunta for their fourth birthday. 'yun ang wish ni Mae kaya pinagbigyan ni Marco ang kapatid niya. Mae wants to see the Eiffel tower dahil may napanood siya sa TV. Kahit ang gusto ni Marco ay sa Disneyland muna kami pumunta sa Eiffel nila pinili. Marco loves his sister so much.


Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba sa kaniya ang tungkol kay Mae. Alam kong malulungkot siya. Nakikita ko kung gaano niya kamahal si Marco hindi naman siya mage-effort na mag-stay sa bahay namin para lang gawin siyang slave ni Marco, kung ano kasi ang gusto ni Marco ay kanyang sinusunod kahit pa medyo mailap sa kaniya si Marco. Lately, napapansin kong gumagaan na ang loob sa kaniya ni Marco na ikinatuwa ko naman.


Ayoko na ring ipagdamot si Marco kay Aiden. He needs a father kahhit pa maraming gumagabay sa kaniya iba pa rin yung nandiyan ang tunay mong ama. Hindi ko lang alam kung papaya ako sa kagustuhan ni dad na manirahan kami sa iisang bahay for the sake of Marco. Gusto kong bigyan ng kumpletong pamilya ang anak ko pero hindi ko alma kung paano ko pakikisamahan si Marco. Naguguluhan ako sa nararamdaman k okay Aiden. Alam kong mali 'to dahil may boyfriend ako si Anthony at hindi madali sa akin 'to.


Minsan iniisip ko na takasan na lang si Aiden para hindi na gumulo ang isip ko pero paano si Marco? Alam kong nangungulila siya sa ama kahit ng nasa America pa lang kami. Napagkamalan pa nga niya dati na si Anthony ang tatay niya. Alam kong malapit na. malapit ng mapalit si Marco kay Aiden lalo na ngayon na titira siya sa isang bahay kasama si Aiden for a week.


Kailan ba matatapos ang problema ko? Napatingin ako sa bintana ng hotel room ko, kitang kita ditto ang ganda ng Eiffel tower. Bigla kong naalala kung gaano kasaya ang anak kong si Mae ng Makita niya ito. Sana nandito ka ngayon princess. Miss na miss ka na ni mommy, I love you.





AIDEN'S POINT OF VIEW




Hindi ako nakatulog kakaisip kay Savannah. I want to see her kahit sa picture lang. gusto kong malaman ang lahat sa kaniya. Kung sino pa ang kmukha nito? Kung naspoiled din ba 'to katulad ni Marco? Pero hindi ko muna inisp 'yun dahil sisisguraduhin kong pagdating ni Sabrina ay matatanong lahat ng katanungan sa isip ko.


Nagluluto ako ngayon para sa breakfast ni Marco. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya kaya nagluto na lang ako ng bacon, hotdog, eggs and pancakes. Maselan sa pagkain si Marco pero ito ang nakikita kong lagi niyang kinakain tuwing umaga.


Kagabi habang binabantayan kong matulog si Marco hindi ko maiwasang isipin na kung paano sila napalaki ng maayos ni Sabrina. Mabait naman si Marco sa akin lang ata ang hindi at naiintindihan ko naman siya. Kahit ako pag nalaman ko na gusto akong ipalaglag ng sarili kong ama ay baka hindi ko pa ito mapatawad. I'm willing to wait for their forgiveness, even if it takes forever.

"

"What's for breakfast?" tanong ni Marco na halatang bagong gising dahil kinukusot pa nito ang mga mapupungay niyang mata. Sigurado akong maraming mapapaiyak ang anak ko paglaki tulad ng tatay niya.


"Goodmorning. Let's eat?" tumango lang ito bilang sagot sa akin saka umupo at nagsimulang kumain. Pinanood ko lang siyang kumain saka ako kumain ng maramdaman kong naiilang siya sa mga tingin ko.


"What do you want to do today?"


"I want to go out. Can we visit other places?"


"Sure. Where do you want to go?"



"Places outside Manila"


"Ah. Finish your food and prepare we will go to Tagaytay."


"Tagay-what?"


"Tagaytay. We can ride horse there. I can teach you."


"Really?" Nakita ko ang excitement sa mata niya. Ngayon ko lang nakita ang mga matang 'to na may saya pag tumingin sa akin. Sana magtuloy-tuloy na 'to.


"Take a bath then I'll prepare our things." Tumango ito saka umakyat sa kwarto niya. Ako naman ay naligo na rin saka ako kumuha ng mga damit. Habang nag-ayos ako ay biglang tumunog ang phone ko.



Sabrina Calling...

Accept | Reject


"Hello?"


"Hello? Kamusta si Marco?"


"Okay lang naman kami ditto. Pupunta kmai ngayon sa Tagaytay."


"Ah. Pwede pakausap?"


"Nasa C.R pa naliligo."


"I see. Ikamusta mo na lang ako. Ingat kayo 'dun. Bye"


"Bye Rina. I love you" napabuntong hininga na lang ako. Hindi man lang ako kinamusta? Hindi pa sumagot ng 'I love you too'. Sisiguraduhin kong maririnig ko rin 'yan galling kay Sabrina. Konting tyaga lang.








.

He Left Us (ON-HOLD)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora