Chapter 9

7.9K 148 9
                                    

Chapter 9: Another Chance

Nang umahon ang mag ina sa swimming pool ay agad itong inabutan ni Aiden ng twalya pero hindi ito pinansin sa halip ay nagpakuha pa ang mga ito sa katulong.

Napagpasyahan ng mag ina na pumunta ulit sa mall para mamili ng kanilang damit dahil tiyak niya na magkukulang ang dinala nilang damit na pang isang linggo lang. Alam ni Sabrina na hindi papayag ang ama niya na umuwi agad sila sa America.

"Where are you going?" Tanong ng amani Sabrina na ngayon ay kausap si Aiden

"Shopping!" Masiglang tugon ng kaniyang apo.

"Samaha ko na kayo" pagpi prisinta ni Aiden pero hindi siya pinansin ng mag ina. Sa isip isip niya ay pinagkakaisahan siya nito.

"Oo nga naman Sabrina ng may makatulong ka sa pag aala kay Marco"

"Popsie, I don't want to. I will behave, promise!"

"Oo nga dad. Kaya ko na si Marco sakamalai na siya"

"No but. May ipapabili rin naman ako kay Aiden kaya isama niyo na siya"

Sa huli ay napapayag rin ang mag ina dahil tinakot ng amani Sabrina na hindi sila makakabalik sa America hangga't hindi siya sinusunod ng mga ito kaya walang magawa ang mag-ina.

Kotse ni Aiden ang sinakyan nila pero nasa backseat sila pareho nakaupo. Kahit pa pinag buksan siya ng pintuan ni Aiden sa passenger seat ay mas pinili niyang maupo sa likod.

"Mom, I miss America. I want to go back!"

"Soon baby"

Hindi maiwasang malungkot ni Aiden dahil kung babalik ito sa America ay baka mahirapan siyang suyuin ito.

"Can you call tito Anthony for me mom? I miss him"

"Sure baby."

Hindi maiwasang magtaka ni Aiden. Gusto niyang tanungin kung sino si antony pero alam niyang wala siyang karapatan at baka sabihan lang siya nitong pakeelamero.

"Hello. Yeah. I miss you too. Marco wants to talk to you"

"Hello tito Anthony. Yes. I want to go back there but we can't. Yes, I already met him. No. I still like you. Of course. Really? Okay, I will be a good boy. Bye! I miss you too."

Hindi maiwasang magselos ni Aiden sa Antony na 'yun halatang halata mo sa mag-ina na gusto talaga nito si Anthony.

"Who's Anthony?" Hindi niya mapigilan ang sarili niyang hindi magtanong.

"Mom's boyfriend, you know he is kind. We always play and he always make us happy." Nakangiting kwento ng anak niya. Sa panahong iyon ay gusto niyang suntukin kung sino man yung Anthony na 'yun.

Mabilis silang nakarating sa mall dahil na rin sa hindi maiwasang mainis ni Aiden. Gusto niyang magwala pero kasama niya ang mag-ina niya kaya pinilit niyang maging kalmado kahit mahirap.

Agad silang dumeretso sa bilihan ng damit pangbabae para kay Sabrina. Gustong palitan ni Aiden ang mga damit na pinipili ni Sabrina dahil kung hindi maikli ay masyado naman itong mapang akit sa mata ng ibang tao. Pero hindi na lang siya pinansin dahil baka lalong magalit ito sa kaniya. Masabihan pa siya ng pakeelamero. Ibang iba na talaga si sabrina.

Sunod naman silang pumunta sa mga damit pambata. Natuwa naman siya dito dahil kuhang kuha ang taste niya sa damit ng anak. Marami pa silang pinuntahang tindahan dahil bawat may makita ang mag ina ay agad naman nitong bibilhin. Siya ang nagdala ng lahat ng pinamili nila. Ang hindi alam ni Sabrina ay hindi na sila nagbabayad ng mga pinamili nito dahil credit card ang ginagamit niyang pangbayad, inutos naman ni Aiden sa mga cashier na kuhanin lang ang credit card at wag ng pagbayarin ang mag-ina pero hindi alam ni Sabrina 'yun. Si Aiden kasi ang may-ari ng mall

Sunod silang nagpunta sa ice cream parlor ayon sa kagustuhan ng anak. Siya na ang nagpumilit na umorder kaya walang nagawa si Sabrina, pagod na kasi siya at ayaw niyang makausap si Aiden ng matagal.

"Remember the times when we were eating ice cream?" Tanong ni Aiden sa kaniya habnag nakangiti pero tiningnan lang siya ni Sabrina, kaya naman agad nabura ang mga ngiting 'yun.

"Mom, I want to have a pet."

"Okay, I will buy you when we get back to America. Is that okay with you?"

"Yes. I want a chowchow because Leigh have a chowchow too."

"Really?" Tanong ni Sabrina sa anak.

"Yes. It is her father's gift when she get a perfect score on our exam."

"Who's Leigh?" Tanong ni Aiden sa anak. Ang akala niya ay hindi siya nito papansinin pero laking tuwa niya ng sumagot ito.

"My crush" Natuwa siya sa anak. Ganitong edad din siguro siya nagka crush kay Sabrina, they were bestfriends before.

Nang pauwi sila ay nakatulog si Marco kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon na iyon para makausap si Sabrina.

"Rina"

"Don't call me Rina. It's Sabrina okay?"

"Okay, okay. Wala na ba talaga tayong pag asa?"

"Ha! I'm happy with my life without you. Dapat nga ay hindi ka na nakakalapit sa amin ng anak ko e. Remember what I've said before? Na hinding hindi mo kami malalapitan? Psh. Ewan ko ba kung bakit parang pinapaboran ka ni dad e."

Inihinto muna ni Aiden ang kotse sa gilid ng kalsada para makapag usap sila ng maayos ni Sabrina.

"Please Sabrina, matagal ko ng pinagsisihan ang ginawa ko sa inyo noon. Please give me another chance to prove myself to you and to our son."

"If you're doing this because of Marco, wag na! Alam ko namang hindi lingid sa kaalaman mo na ayaw sa 'yo ng anak ko. Wag mo akong sisihin kung ganiyan ang inaasal ni Marco sa 'yo dahil wala akong sinabing ikakasira mo sa kaniya. Pinilit kong wag ka niyang kamuhian dahil hindi naman ako ganoong kasama na tao na mas gugustuhing kamuhian ng anak niya ang ama ng anak niya."

"No. I'm not doing this only because of Marco. I'm doing this because I still love you. Please Rina come back to me. Ayaw mo bang bigyan ng magandang pamilya ang anak natin? Promise babawi ako sa mga taon na wala ako sa tabi niyo."

"Ha! Babawi? Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko Aiden! Nasaan ka nung mga oras na hirap na hirap ako sa paglilihi ko? Nung mga panahong nanganganak ako. Nung mga panahong kailangan kita?"

"Rina, matagal ko na kayo pinapahanap pero ngayon ko lang kayo nahanap dahil sa nalaman kong ikaw na ang bagong CEO ng DV fashion. Believe me Rina, lahat ginawa ko para lang mahanap kayo. Sa loob ng limang taon naging impyerno ang buhay ko. Wala akong ibang inisip kung hindi kayo ni Marco. Please Rina"

Hindi lang si Rina ang umiiyak ng mga panahon na 'yun dahil hindi na napigilan ni Aiden ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Ngayon lang siya umiyak sa harap ni Rina. Ayaw na ayaw niyang nakikita niya ang kahinaan nito, pero hindi na niya maitago pa ang kalungkutang nadarama.

Hindi lingid sa kaalaman nila na hindi lang sila ang nasasaktan ng mga oras na iyon. Naririnig ni Marco ang lahat ng pinagusapan ng kaniyang magulang. Napaisip siya sa mga sinabi ng kaniyang ama. Tulad ng ina hindi rin niya alam kung paniniwalaan ba niya ang kaniyang ama o hindi. Pero lamang sa utak ni Marco ay gusto niyang maniwala dito. Sa murang edad ay marami na siyang napagdaanan na sana merong ama na gumagabay sa kaniya. Gusto niya rin ng maayos na pamilya pero alam niyang malabo mangyari 'yun dati. Pero ngayon sa isang banda ng utak niya ay nagsasabing gusto niya itong mabuo. Matalino si Marco, kaya alam niya ang nangyayari sa paligid niya.

"Hindi ko alam kung maniniwala pa ako Aiden, hindi ko alam."

_______________________

A/N: Alam ko pong maraming typo sa mga updates ko dahil hindi ko na po sila binabasa pa matapos kong itype. Siguro pag sinipag ako aayusin ko 'to (kung sisipagin) haha!

Anyways, pahingi naman po ng Comments at votes! ^^ Mas ginaganahan kasi akong magsulat pag may nakaka appreciate ng story ko kaya ayun. Thankyou! :))

He Left Us (ON-HOLD)Where stories live. Discover now