CHAPTER SEVENTEEN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ma, Pa ... may kasama ako." Pagbibigay ni Damon ng respeto sa kung sino mang tao sa loob ng mausoleum na iyon.

"D-dito ba nakatira ang mga parents mo?" Coz I never heard na patay na ang mga magulang niya.

"Yes. Kasi matagal na silang patay."

Hindi ako nakapagsalita. Somehow, I understand why he became like that. Masakit talagang mawalan ng magulang. At hindi ko siya masisisi kung mas pinili niyang mag-isa dati kaysa magsaya at makipagkaibigan.

Inalalayan niya akong maupo sa living room tapos nagtungo siya sa kusina. Nakita kong binuksan niya ang refrigerator.

"Hey, baka expired na ang mga pagkain diyan!" Pigil ko sa kanya.

Bahagya siyang ngumiti. "I just bought it yesterday."

"You we're here yesterday?" Paguulit ko sa sinabi niya.

"Yes. Kasi gusto kitang isama ditto."

"Paano kung hindi pala ako sumama?"

"That's the time na mae-expired sila."

Ako naman ang napangiti sa sinabi niyang yon.

Ngayon ko lang nakausap ng mahinahon si Damon. Ngayon ko lang ulit nakikita yung side na una kong minahal sa kanya. Hindi lang nito pinapabagal ang oras kung pinapabilis din nito ang tibok ng puso ko. Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya?

Bakit ang hirap niyang balewalain?

Iniabot niya sakin ang binuksan niyang softdrinks in can saka siya naupo sa harapan ko habang hawak-hawak ang isang bote ng beer.

"Sorry kung bigla kitang iniwan." Hindi ko alam kung saan nanggaling yon at kung bakit ko biglang nasabi yon.

"Alam ko namang laging pinipili ng tao ang mabuti kaysa sa masama. That's why I understand why you choose Erick over me." Sabay lagok niya ng beer.

"Hindi ko naman kailangang mamili dahil wala naman akong karapatan na mamili sa inyong dalawa. Hindi niya ako parehong pag-aari."

"Alam ko." Tipid niyang sagot.

"Natakot lang ako ng malaman kong hindi ka isang tao." Bahagya akong yumuko. "Napagod din akong umasa na magbabago ka kahit na may taong gustong magpahalaga sayo bukod kay Julia."

Narinig kong muli siyang lumagok ng beer.

"Hindi ko alam na judgemental ka pala."

Naramdaman ko ang kamay niya na dumampi sa baba ko saka dahan-dahan niyang iniangat ang mukha ko. "Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko. Wala kang alam kung ano ang nasa isip ko. And most of all, wala kang karapatang pangunahan ako sa mga bagay na gusto kong gawin."

"Then tell me, para maintindihan ko!"

"Do you think you have the guts to know all about me?"

Tumango ako. "I want you to be honest, for once."

Saglit na katahimikan.

Naririnig ko ang pagtibok ng puso ko at ng puso niya. Hindi na naman ako makahinga. Parang unti-unti akong nilalamon ng kaba.

"What if gusto kong maging akin ka? What if I asked you to come back to me and stay for as long as I want? What if I want to be the one who will take care of you? Who would always be there to protect you?"

Natigilan ako sa mga narinig ko. Nagseselos lang ba siya kay Erick dahil na kay Erick ang lahat ng atensiyon ko? Is it just like a competition for him? Or was he telling the truth?

"Natatakot ka pa rin bas akin Kathy?"

Hindi agad ako nakasagot.

Natatakot nga ba ako sa kanya? O mas natatakot ako sa sarili ko?

All of a sudden, I saw a bright light coming from his right hand. Halos hindi ako maka-dilat sa sobrang liwanag noon.

At sa pangalawang pagkakataon, lakas loob kong hinawakan iyon. Hindi ako nakaramdam ng takot.

Nahuli ko siyang nakangiti.

"Alam kong gusto mong malaman kung para saan ito."

Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya. I saw a devil star tattooed on his skin. Sobrang itim nito. Alam mo yung tattoo na ibinigay yung best sa ink?

"Kailan ko lang nalaman na tuwing ikaw ang kausap ko or it's something about you, lumiliwanag ang marka na yan sa kamay ko. It still hurts as hell pero natitiis ko. Siguro, ganon lang talaga kalakas ang impact mo sakin." Paliwanag niya.

"Para saan ba yan?" Tanong ko.

"It's like a seal when I made an agreement with my father. Hindi mawawala yan hanggang hindi ako tuluyang nagiging kagaya niya. Or let's just say na, hanggang nandito ako at nabubuhay kasama mo."

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, "Hindi ko nga lang maintindihan kung anong meron ka at nahahawakan mo ang markang to. Kasi, mas mainit at nakakapaso pa ito kaysa sa kahit anong nagbabagang bagay na maiisip mo."

Yumuko siya saglit saka siya muling tumingin sa akin. "Now tell me Kathy, are you an angel?"

Gusto kong matawa sa tanong niyang iyon. "Do I look like an angel to you?"

"Then ... can you be a devil for me?"

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon