CHAPTER NINE

7K 120 4
                                    

Magkahawak-kamay na pumasok ng lobby ng Sunrise Hotel, isang prestihiyosong luxury hotel resort sa Albay. Nakasuot ng dilaw na halter maxi dress si Emily habang naka-cargo short at abuhing cotton shirt si Neb.

"So tropical." Komento ni Emily habang papalapit sa reception area.

"You bet." Tugon naman ni Neb sa kanyang tabi.

"Good morning." Nakangiting bati ng receptionist. "Welcome to Sunrise Hotel. May I know if you have any reservations, Ma'am, Sir?"

"Emily Viero." Sagot ni Neb banggit sa pangalan nito. Napalingon naman si Emily nang may lumapit sa kanyang isang staff ng hotel. Naka-Hawaiian print polo ito. May dala itong isang tray na may lamang fresh juice.

"Fresh juice, Madam?" Pag-aalok ng staff. Napangiti si Emily sabay kuha ng isang baso.

"Salamat." Sabi naman niya. Lumapit naman ang lalaki kay Neb at inalok ang isa pang baso.

"Whoa." Ani Neb ngunit hindi kinuha ang juice. "Thank you but no. Mamaya na lang siguro."

"Masarap, sweetheart." Saad niya habang humihigop. "Refreshing."

Nilingon siya ng kanyang asawa. "Nakikita ko nga. Mauubos mo na eh."

Nakaangat naman ang kilay niyang sinilip ang baso. Papaubos na nga ang laman niyon. Napatawa siya.

"Sorry." She said lightly. Inilapag niya ang baso sa ibabaw ng reception area ngunit natabig siya ni Neb. Natumba ang baso sabay tapon ng natirang juice.

"Hey, careful. You're wetting the table, sweetheart." Saad nito sabay kuha sa panyo nito mula sa bulsa at mabilis na iniaangat muli ang baso. Pinunasan nito ang nabasang mesa.

"Oh, that's okay, Mr. Viero. Ang staff na po ang bahala." Tila napahiya namang biglang sabi ng receptionist.

"I'm so sorry." Sabi naman ni Emily.

"It's alright, Ma'am." Nakakaintindi namang sagot ng babae at muling lumingon kay Neb.

"Here's your key card, Sir." Anang receptionist. "Enjoy your stay. Manny? Please take them to their room."

Lumapit na ang bellboy na tinawag nitong Manny. "Samahan ko na po kayo."

Kinuha ng bellboy ang ilang bagahe nila at sabay-sabay na silang lumulan ng elevator. Si Sixth floor ang suite nila.

"I'm sorry about the juice." Ani Neb nang umaakyat na sila.

"Ano ka ba? Ako nga 'tong nakatapon eh."

Neb chuckled. Sabay akbay sa kanya. Saka hinalikan ang kanyang sentido. Niyakap naman niya sa baywang si Neb.

"Nagtataka talaga ako sa biglaang bakasyon na 'to. Anong meron?" Aniya. Noon naman tumigil ang elevator. Nasa sixth floor na sila.

"Sir, Madam?" Ani Manny at pinauna silang lumabas ng elevator.

"I miss you. That's it." Sagot ni Neb.

Kunwa'y umismid siya. "Miss me daw. Eh lagi mo nga akong inaaway."

"Of course not." Salo naman kaagad ni Neb sabay higpit ng yakap sa kanya. "I always wanted to do this with you. Besides, hindi pa naman talaga tayo nagkaroon ng honeymoon, right? I think this is the best time."

THE GOOD WIFE  (Published under PHR)Where stories live. Discover now