CHAPTER EIGHT

7.5K 116 2
                                    

"Sweetheart!" Gulat at nagtatakang bulas ni Emily nang makita si Neb sa labas ng opisina ni Maverick. Katatapos ang quarterly meeting ng finance department at nang makalabas na lahat ng officers ay pinasunod siya ni Maverick sa opisina nito upang makibalita sa naging lakad niya. Kasunod na rin niyon ang sermon.

"Hi." Saad nito at nang makalapit sa kanya ay kinintilan siya nito ng halik. Nang pagmasdan niya ito ay napansin niya na tila namumula ang chick bone nito.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya habang gumagala ang mata niya sa buong mata niya sa mukha nito. Napansin niya ang kaliwang mata nito. Nangingitim iyon.

"Galing ako sa gym. Nag-sparing kami ni Rio." Sagot nito nguni umiiwas ang mga mata. Kaagad siyang nagduda.

"Neb."

"Fine. Nag-away." Agap nito.

"Away? Bakit?" Takang-taka niyang sagot. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit mag-aaway ang magkaibigan. Hindi man niya gaanong kalapit si Rio ay alam naman niyang mahinahong tao ito.

"Sweetheart, please, 'wag nang matanong. Ayoko na munang pag-usapan." Himig nakikiusap namang sabi nito.

Hindi magawang alisin ni Emily ang duda sa kanya. Ang usapan nila ni Neb ay susunod siya sa bahay nila. At ang alam niya ay naroon lamang ito at hinihintay siya. Bakit bigla ay nag-gym ito kasama ni Rio? At nagkasakitan pa ang dalawa. Lalo siyang napaisip.

'May mali talaga.'

She gave him a warning look but then stare away. Wala rin mangyayari kung kukulitin niya ang asawa niya.

"Mavy." Ani Neb saka siya napalingon sa papalapit niyang pinsan.

"Hey." Saad naman ni Maverick saka tumingin sa kanya. "Akala ko ihahatid ko si Elly sa'yo. Got excited to see her? Anong nangyari sa mukha mo?"

Napatawa si Neb sabay ngiwi rin. Marahil nasaktan ito. "Naghanap ng date ang t'yan ko. At saka wala 'to. Away bata lang."

Napasipol si Maverick sa narinig. Siya naman ay pigil ang pagngiti. She would admit, Neb got her on that answer.

"Alright. Sa tingin ko hindi na ako kailangan dito." Ani Maverick at nagpaalam na sa kanila. Sinundan nila ito ng tingin.

"Let's go."

"Saan?" Hindi ito nililingon niyang tanong.

"Kakain." Sagot nito saka siya lumingon. Muli niyang nakita ang pasa nito sa mukha kaya napangiwi siya.

Napansin iyon ni Neb. Hinawakan nito ang baywang niya. "Come on, sweetheart. 'Wag ka na magalit."

"Fine." Walang ngiti niyang tugon saka lumakad palayo dito. Nauna na siyang lumabas ng building dahil alam naman niyag susunod ito sa kanya.

Sa restaurant ay tahimik si Emily habang kumakain. Hindi siya na ganoon ngunit hindi niya mapigilan. Nais kasi niyang sabihin sa kanya ni Neb ang totoo. Hindi lang tungkol sa totoong dahilan ng pagkakapasa ng mukha nito.

Napatigil ang pagnguya ni Emily at napatingin sa kinakain ni Neb nang marinig ang malakas na paglapag nito ng kubyertos.

"Pag-aawayan ba natin ang pasa ko?" walang ngiti at aburidong tanong ni Neb sa kanya.

"Dapat ba nating pag-awayan?" balik-tanong niya. Tila lalong nairita ang kanyang asawa.

"You're acting like you're pissed. At alam kong sa'kin ka naiinis. Is it because-"

THE GOOD WIFE  (Published under PHR)Where stories live. Discover now