Sinubukan kong bawiin sa kanya ang kamay ko kaso lalo siyang napadikit sa akin.

"Sana ako na lang siya......"

Kahit maingay dito sa loob ng bar, nakuha ko pa rin yong mensahe na lumabas sa bibig ni Pam.

"Maupo ka na, mahihilo ka sa ginagawa mo." ang sagot ko sa kanya. Talagang naaasiwa ako sa mga titig ni Pam kaya ibinaling ko ang tingin ko sa stage kung saan kumakanta pa rin si Wendy. Mukhang nag-e-enjoy ang mga tao sa kinakanta niya, hindi talaga maipagkakailang magaling  siyang magperform.

Hmp! Pero hindi mawawala sakin yong pagkainis.

"Ang KJ mo talaga Jill! Hindi mo man lang ako sabayang sumayaw."

"Tumigil ka na Pam!" 

Halos itulak ko siya dahil nakakapit na siya sa leeg ko. Halatang may tama na siya dahil namumungay na yong mga mata niya at naamoy ko yong alak sa bibig niya. Hinila ko siya saka pinaupo.

"Wag kang tatayo! Umupo ka lang diyan." utos ko sa kanya.

Pagkatapos magperform ni Wendy palakpakan na ang mga tao, nakatayo pa rin ako habang nakatanaw sa kanya. Pababa na siya ng stage pero ang ikinabigla ko ay makita ko dito ang isa sa pinaka-ayaw kong tao! 

Si Arvie!!! 

Bakit sila ang magkasama?!

"Anong ginagawa ni Arvie dito?" tanong ko kay Pam.

" Uh, siya yong nag-invite kay Wendy para kumanta dito."

Parang biglang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Kailan ba titigil ang Arvie na to! Una si Anne ngayon ang kapatid ko naman!

"Jill, andito ka?" 

"Ang lakas din ng loob mo, ano?!"

Halos sugurin ko ng sapak tong Arvie na to!

"Jill!"

Kaso agad akong nilapitan ni Wendy at hinawakan sa braso.

"Umuwi na tayo, kailangan nating mag-usap!"

"Mamaya na. Dito muna kami, kung gusto mo i-uwi mo na si Pam."

"I-uwi si Pam? Ikaw ang nagdala sa kanya dito kaya ikaw ang mag-uwi sa kanya!"

"Bakit ba ang init ng ulo mo, ha?"

"Bakit mainit ang ulo ko? Hindi mo alam kung bakit? Hindi naman siguro masamang magpa-alam ka di ba? Paano kung napahamak kayo?!" 

"Jill, kasama naman namin si Arvie kaya wala kang dapat ipag-alala."

"Walang dapat ipag-alala?! Naririnig mo ba yang sinasabi mo, ha? Sumama ka dito sa Arvie na to, na hindi mo pa naman lubos na kilala!"

"Anong masama? Buti nga kahit papaano nakakapag-enjoy ako. Desisyon ko namang sumama sa kanya."

At pinamukha pa talaga niya sakin harap-harapan sa Arvie na ito!

 "Jill, ako ang nagyaya sa kanila kaya paki-usap lang-"

"Pwede ba! Wag kang sasabat. Hindi kita kinakausap!" agad kong sagot kay Arvie.

"Jill, tumigil ka na nga!"

Napapakuyom ako.

"Hihintayin kita sa bahay." sabi ko sa kapatid ko saka tuluyan ng lumabas ng bar. Iniwan ko na sila roon. 

"Jill!"

Papasok na ako ng kotse nong marinig ko ang boses ni Arvie.

Nakakarindi! 

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now