ABGB 24: Revealed Identity

90 2 0
                                    

-Revealed Identity-

Raid Fitzner's POV

Bago pa ako mawala sa tamang pag-iisip ay agad ko ring nabawi ang tindi ng pagkagulat ko. I never imagine myself in this kind of act and situation.

'What the hell is happening to my world!?'

"Are you even for real!? Don't test me Kuasa, hindi ito ang oras ng pakikipagbiruan at saan mo nakuha yang mga pinagsasabi mo!? Sabihin mo nga,a no pang nalalaman mo ha!?"

Tumalimm ang tingin nito at tinitigan ako ng mariin sa mata. Sumasama na rin ang pakiramdam ko dahil biglang tumaas ang lebel ng pagkainis, pagtataka, pagkagulo at pagkalito sa mga sinasabi niya ngayon

'Is he spying me!?'

Paano niyang nalaman ang lahat ng iyon!? Paano niya nakilala si Dopravce!? Paano niya nalaman ang hinahanap ko?

"I hope I am joking Raid, I hope I am. But I am not. So you listen to me. We must work together. Kailangan ko maligtas ang kapatid ko laban kay Ceil at kailangan natin mahanap ang Dopravce Mysterium bago pa may ibang makakuha. Hindi natin dapat hayaan na magtagumpay si Ceil dahil kung mangyari man na magtagumpay siya, mamatay akp, mamatay ka at mas lalong hindi ko hahayaan na mamatay ang kapatid ko!"

I was shocked, yes definitely. Paano niya nalaman ang lahat? So totoo nga na kapatid niya si Dopravce!?

Pero hindi, bigla ko namang naaalala ang sinabi sa akin ni Dopravce nang minsan kaming mag-usap patungkol sa paghahanap ng libro.

"I don't know. Bago ako napunta dito nagpalit kami ng mga pangalan. For hiding purposes. At sa kasamaang palad bago pa iannounce ang bago naming pangalan sa aming pamilya nagkagulo na, ang tanging nakakaalam lang ng mga pangalan namin ay mismong mga sarili namin."

'Hindi mo ako maloloko Kuasa!'

"So you are saying na kapatid mo si Dopravce and you are also a Dopravce? Wait baka naman isang trap mo ito!? "

Tama raid huwag ka magpadala samga pinagsasabi ng isang iyan, pinaglalaruan ka lang niyan, pinapaikot. Huwag mo hahayaan ang sarili mong sakupin ng mga panloloko niya dahil paniguradong mahihirapan kang makawala kapag nagkataon.

'I know, I am not a dumbshit'



"You know what Raid.." 

Napabaling naman sa kanya ang tingin ko, at kunot noong tinignan siya.

"What!?"

 "I didn't know you were this dumb."

Umakyat na ang lahat ng galit s aulo ko, pinapainit ng batang ito ang ulo ko. Nagngitngit ako sa galit at nanginginig na nagpipigil para sugurin ang batang ito.

'Alam na alam mo talaga kung paano maglaro Kuasa, magaling!'



"What the fvck did you just tell me? Dumb!?"

Gusto ko na isaksak sa puso niya itong hawak kong susi ng kotse, gusto ko ibaon iikot mismo sa puso niya, pati na rin sa utak niya. Baka sakaling mapaandar ng susing ito ang makina ng utak niya!

"You. are. dumb. Kailangan ko pa bang ulitin? Bingi ka ba? Hindi ka ba nakakaintindi ng ingles!? Pinaglalaruan ka na ni Ceil hindi mo pa alam!? You are an asshole, an idiot and a dimwitted man. I thought you are good, but guess what! You. are. not."

Napasmirk ako ng wala sa oras at masama siyang tinignan. Napakuyom ang aking mga kamay at nararamdaman ko na ang sakit ng pagkakatusok ng susi sa palad ko. Sobrang tindi ng galit ko ngayon. Sobrang naiinsulto ako sa mga pinagsasabi ng isang walang muwang na batang ito.

'How can you have the audacity to tell me those! Anong akala mo sa akin walang alam!? '

"Wala kang alam at mas lalong wala kang utak. Ang mga may alam ay nanahimik, katulad ko. Hindi gaya mo madaldal, dadak ka ng dadak. Para kang latang nag-iingay na walang laman! Isa kang tanga!"

I replied, this kid is totally insane.

'Hindi ako binansagan na isang Raid Jazrel Fitzner kung wala akong alam, kung wala akong panama sa isang tanga na nagngangalang Ceil Koli Donovan.'

 Ang mga hinala ko dati ay binigyan lamang ng kasiguraduhan ng batang ito, buti na lang at nagawa ko pang magtimpi. Buti na lang at isa akong matalino hindi gaya ng nasa harap ko ngayon na walang ibang ginawa kundi ang mainsulto ng taong mas magaling naman sa kanya.

'Gusto kong tumawa! Akala ba nila sila lang may tinatago!? Huh Di ako tanga!'

"Raid please listen to me. Ano pa ba ang gusto mong sabihin ko para mapaniwala kita na nagsasabi ako ng totoo? Listen, we must hurry, hindi pwede makuha ni Ceil ang Dopravce Mysterium, hindi natin maaaring pabayaan ang libro kaya dapat ay unahin natin iyon saka natin kunin ang kapatid ko sa loob ng Exordiri."

"What do you mean? Anong Exordiri? Iyon ba ang tawag sa lugar na iyon!?"

'Exordiri, may tawag pala doon. HIndi nabanggit ni Dopravce ang tungkol doon.'

"Exactly, For now on we must work together."

'Will I really trust this dumbshit kid?'

"Yes, you should trust me and don't call me dumbshit kid."

'What the actual fvck!'

Napatingin ako sa kanya, don't tell me may kapangyarihan din itong makabasa ng mga utak ng tao kagaya ng kapatid niya?

"Not exactly, but I can read minds, kung ano lang ang laman ng utak mo ngayon. Itong huli ko na lang din nabasa ang isip mo dahil hindi ko maintindihan pero may something sa iyo na hinaharang ang kaya kong mabasa sa utak mo."

Nakahinga ako ng maluwag. Sht buti na lang.

"Unlike my sister she can see everything, mula sa past mo hanggang sa future mo. Pinagkatiwalaan ka niya hindi dahil ikaw ang unang nakausap niya sa loob ng pintong iyon, marami pa bago ikaw, pero nakita niya ang future mo at iyon ang naging dahilan niya para pagkatiwalaan ka niya." Dagdag pa niya.

'Paano naman niya nalaman ang pangalan ng kapatid niya? Paano naman niya nalaman na nandoon ang kapatid niya? Kung alam naman pala niya na nandoon ang kapatid niya bakit hindi na lang niya tulungan agad?'

"Mukhang maraming tanong sa isip mo pero hindi na ako maaaring magtagal sa ngayon. Ang alam ni Ceil ay nasa ilalim ako ng kontrol niya at hindi niya maaaring malaman na nagkita tayo. Mabuti at nag-ingat ka kay Jayzam. Isa iyan sa mga tauhan ni Ceil at hindi ka dapat pang tumambay sa Kahve Aroma kung ang gusto mo ay magresearch sa bahay mo na lang ikaw, dahil lahat ng nalalaman mo ay nalalaman nila. Magkita tayo bukas, kung nasaan ka ay nandoon ako."

'Hindi lingid iyon sa kaalaman ko, pero masyado akong maraming bagong nalalaman sa ngayon.'

"Sa ngayon ay magpanggap ka pa ring walang alam, may nakadikit sa iyong tracker kaya alam ko kung nasaan ka lagi, ganoon din sila. Kung paano nailagay doon ay saka ko na sasabihin sa iyo. Pati yung assistant na pinapunta mo kanina, buti na lang at pinabalik mo dahil may balak sila na kunin ang mga bitbit nito. Mag-iingat ka at ganon na din ako."

Mabilis siyang umalis sa harap ko, hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya. Habang tumatagal ay bumabalik ang kaninang kaawa awang sitwasyon nito. mabagal maglakas at diretso.

'You want to play a game, then I will give you the best play, Ceil.'







Dopravce Mysterium: Ang Babaeng Galing Bundok (Adventurously Completed!)Where stories live. Discover now