Chapter 8

1.3K 32 0
                                    

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko pa rin ang tatlong lalakeng naghahabol sa akin. Oh, God!

*BOOOOGSH*

Bakit ngayon pa umandar pagkalampa ko? Naramdaman ko ang mahapdi sa tuhod ko. Pinilit kong tumayo ngunit sadyang napakasakit ng katawan ko dahil sa lakas ng pagbagsak ko sa lupa.

Naramdaman ko nalang ang mga kamay na nakahawak sa magkabilang braso ko. Oh no! Nagsimula na akong matakit. Please don't let them hurt me.

Pilit nila akong pinapatayo.

"Wag ka na kasing tumakbo miss. Ayan nasugatan pa ang makikinis mong mga tuhod." sabi nung isa sabay himas sa hita ko.

Pilit kong iniwas ang paa ko sa manyak na yun. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. Bakit ba hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko? Kaya ba hindi ako pinapayagan nina Mama na lumabas dahil sa hindi ko kayang lumaban? Sa naisip ko, lalong lumakas ang pag iyak ko. Hawak pa rin nila ang dalawa kong braso at sa higpit ng pagkakahawak nila dun, naramdaman ko ang sakit.

"Wag kang magalala. Sandali lang to." sabi naman nung ikatlo na nasa harapan ko.

Palapit nang palapit ang mukha nung lasing sa mukha ko. Parang nagslow motion ang lahat. Naalala ko ang nangyari nung naglayas ako. He was there. He saved me from that drunkard. He assured me I'm safe. I need him now. Nagpatuloy sa pag agos ang mga luha ko.

"K-Kris." hindi ko alam kung bakit ko iyon nabanggit. Ang pangalan niya.

Nakarinig nalang ako ng kalabog. Pinilit kong tingnan kung anong nangyari pero masyadong malabo ang mata ko dahil sa luha. Naramdaman ko na nawala ang kapit nung isa sa kanang braso ko at ganun din sa kaliwa dahilan upang mapaupo ako sa sahig.

Anong nangyayari?

Naramdaman ko ang isang mainit na kamay sa baba ko at itinaas niya ito. Hindi ko siya masyadong nakita dahil madilim at dahil na rin sa luha ko.

Naramdaman kong pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang isang panyo. At doon ko siya nakilala.

"K-Kris? D-dumating k-ka." hindi ko alam pero nang malaman kong niligtas na naman niya ako, ang saya saya ko. Hindi ko maipaliwanag.

Ngumiti lang siya.

Agad ko siyang dinamba ng yakap dahilan upang tuluyan siyang mapaupo sa sahig. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya. Wala akong pake kung may makakita samin. Naramdaman ko nalang ang kamay niya sa ulo ko at hinimas himas ito habang ang isa niyang kamay at itinukod niya para hindi siya makahiga. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya at hindi ko alam kung ilang minuto kami sa ganung posisyon.

********

Nagising ako dahil sa katok sa pinto. Teka, paano ako nakarating dito? Pero bago ko inalala ang nangyari, binuksan ko muna ang pinto at nakita ko si Frances.

"Huy, ligo ka na. May pasok pa!"

"Hala! Patay. Oo nga." agad kong sinara ang pinto at naligo na. Bumaba na rin ako at nagbreakfast. Pinauna ko na si Frances. Kakahiya naman. Hihintayin pa niya ako. At sako ko tiningnan ang orasan.

5:40 am

ASDFGHJKL!!  Ang aga pa pala,? Frances naman eh. Ahy, wala naman siyang sinabi na late na. Ako lang tong nagmamadali Nubanaman yan. No choice ako kundi nagsimula akong maglakad patungo sa school.

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon