Chapter 7

1.2K 41 2
                                    

Wala sa isip na naglakad ako pabalik sa classroom. H-How did he know? Wala naman akong pinagsabihan maliban kay Frances. OO nga! Baka siya ang nagsabi sa lalakeng yun! Jusko naman.

"Definitely NO!! Bakit ko naman gagawin yun? Don't worry hindi niya ipagkakalat yun." sabi ni Frances. Nandito kami ngayon sa cafeteria. 

"Pano ka naman nakasisiguro?" i pouted.

Pinisil naman niya bigla ang pisngi ko! 

"Ang cute mo, alam mo yun? Yung taong yun? Andaming source nun. Wag ka nang magtaka kung bakit niya nalaman ang sikreto mo." cionfident na sabi niya. 

"Magkakilala kayo?" natanong ko. Para kasing alam niya ang likaw ng bituka ng lalakeng yun.

I saw her froze in a moment. At ngumiti siya sakin.

"We're bestfriends. Simula palang nung bata pa kami. Sa aming tatlo, siya ang pinaka KJ. Kung ang ibang bata ang hawak ay mga robot at mga laruan, ang tanging nasa kamay niya ay libro." Frances said, reminiscing her past. 

"Tatlo kayo? Sino yung isa?" 

Nakita ko na naman siyang nanigas. 

"Ah. Hehe. Ano.. Tara na? Late na tayo." sabi naman niya at nagmamadaling tumayo. Parang may iniiwasan siyang topic. At obviously, yung tinanong ko ang iniiwasan niya. 

Nakarating na ako sa classroom at nakita ko naman si Ice na tulog na naman ata to. 

Umupo na ako sa upuan ko at nag isip isip. 

"BOO!!" 

"Ay anak ng baboy." 

Muntikan na akong mahulog sa inuupuan ko ng gulatin ako ng sinumang ponciong pilato.

"Ice?" now i didn't expect it from him. Ang sungit sungit niya tapos ngayon?

"Oh, bakit?" sabi niya habang kamot kamot ang kanyang ulo. 

"Ikaw ba yan?" tanong ko sa kanya. 

"Ah. hehe. Ako nga." sabi niya at tumawa. Hindi. May mali.

"Panong naging ikaw? Eh ang sungit sungit mo! Tapos ngayon, tapos ngayon.."  

"Tinry ko lang magpakabadboy kahapon. ARAY!! Bakit?" 

Binatukan ko nga. Buset. 

Pumasok na ang teacher at nagsimula na ang klase. 

"Ice, may kilala kang Kris?" tanong ko sa kanya. Naglalakad kami ngayon patungong cafeteria para dun na maglunch. 

"OO. bakit?" napatigil naman siya sa paglalakad at tiningnan ako ng mataman.

"Nag usap kayo?" tanong niya.

Teka, kinakabahan ako. Oo nag usap kami at tungkol yun sa sikreto ko.

"A..Ah.. O..Oo." i said.

"That guy's hell of an observer. He's got good sources too." pagkasabi niya nun ay naglakad na siya palayo. 

Ano bang pinagsasasabi nun? Geez, bahala nga siya.

Sumabay saming kumain si Frances. Bangayan nang bangayan ang dalawa. Ang ingay. -__-

Uwian na at mag isa na naman akong naglalakad. May inasikaso pa si Frances.

Pinagsisipasipa ko ang bato na nakita ko sa daan habang iniisip ko ang mga pangyayari kanina. Nakakastress. -___-

"Miss--" pagkarinig na pagkarinig ko na may tumawag sakin, agad agad akong tumakbo. Hindi ko na kailangang lingunin para hindi ko malaman kung sino yung mga yun. Nakaroon na ako ng trauma sa mga lasing. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Lumingon ako sa likuran ko. Humahabol din sila and worst, tatlo silang mga lasing. Ba't uso lasing sa lugar na to? Oh boy. Sana lang hindi ako maabutan. 

--Missy <3

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon