Chapter 6

1.3K 44 2
                                    

Maaga akong nagpunta sa school. Walking distance lang naman pala ang bahay ni Frances patungo sa school may pasakay sakay pa siya sa kotse niya. -_-|| Nasa bahay pa siya at pinagluto ko na siya ng breakfast. Ayaw niyang gumising eh. Hindi ko na pinilit na gumising.

"Ano bang ginagawa ng mga taong yan dito? May hinahanap ba sila??"

narinig kong bulong nung isang babae sa kausap niya.

"Men In Black. Baka nga may hinahanap sila sa campus natin. Pumunta din sila dito nung isang araw, umalis din agad nang sabihin ni Ms. Reehna na wala dito yung hinahanap nila."

te-teka.. Hindi ako slow para hindi magets ang sinasabi nila. At tsaka, Men in Bkack? Walang duda. Mga tauhan ito ni Dad. Naman oh! Nag iwan naman ako ng sulat sa kwarto ko ah? >3< Waaah!!! Panu kung mahanap nila ako? Katapusan na ng konting kaligayahan ko. Ang ikli naman. >3< Di ba pwede extension?

Pero dapat confident ako ngayon kasi nakadisguise ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang sarili ko sa screen ng phone. Okay naman suot ko naman ang props ko..

Eto na!! *Hinga malalim*

Pumasok ako sa gate.

Waah.. Sana naman walang makapansin sakin. Hindi naman siguro nila kabisado mukha ko diba? Hindi naman ako masyadong lumalabas ng mansyon eh. Sana nga.. *Cross fingers*

Tila nalimutan ko nang huminga nang maramdaman ang isang kamay na nakahawak sa braso ko.

T_T sabi ko na eeeh!!t

"Sandali lang miss. Ano ang iyong pangalan??"

Sa boses niya, siya ang butler ko. Si Mr. Park. ~T_T~ wala na. Nakilala na niya yata ako.

Eto na.. Haharap lang naman ako sa kanya at sasabihin kong ako si Yana Montezor ang pinsan ng president ng school na ito.. Oo Ara! Yan ang lang kasi kasimple ang gagawin mo. Hindi ka pagpapawisan. Pero waaah!!! Ang lagkit lagkit na ng pawis ko sa noo. π_π eto na yata talaga katapusan ng kaligayahan ko.

"She's Yana Montezor. Ms. Rheena Montezor's cousin. Wala dito ang hinahanap ninyo." biglang sabi ng isang boses lalake.

Waaah!!! Thankyou! I love you kung sino ka man.!

Naramdaman ko naman ang kamay ni Mr. Park na unti unting bumibitaw sa braso ko.

"Magandang araw po, Master Yoh."

Master Yoh? May iba pang amo si Mr. Park bukod sa amin? Bakit di ko alam yun? -_-b

Haharap na sana ako nang maramdaman ko ang isa na namang kamay na hinihila ang braso ko. Hindi ko makilala kung sino man siya, eh hinihila nga niya ako.

Namalayan ko nalang na nasa rooftop na pala kami. Wait, ano namang gagwin namin ng lalakeng to dito?

Wag mong sabihing paglilinisin niya ako? 

Tiningnan ko naman ang paligid. Malinis naman eh. 

"You already owe me two, Miss Montezor." sabi niya habang nakatalikod sakin. Nakahawak kasi siya sa railings na naroon. 

Teka, anong sabi niya? Two? Panong naging two?

"Ha? Anong I owe you two? Isang beses mo lang akong tinulungan at yun yung kanina. Dinadagdagan mo utang ko sayo?" i said. 

I heard him chuckled at humarap sakin.

Panandalian akong nanigas. Those eyes. 

" Don't worry, you're safe." 

Nagplay nalang bigla sa utak ko ang mga katagang binanggit ng lalakeng yun. 

"I'm Kris Damien Yoh." 

"S..Sandali, I..Ikaw yung.. Pero pano?" nakita ko naman siyang ngumiti. 

Naglakad naman siya papunta sakin and this time, nasa gilid ko na siya. 

"Yes I am." at naglakad na siya at iniwan akong tulala. 

Kung ganun, kung siya yung lalakeng yun, ibig sabihin! Oh no.

Hindi pa siya nakakaalis sa rooftop. Tatawagin ko na sana siya nang bigla naman siyang tumigil at nagsalita.

"By the way, you forgot to wear your braces, Miss Xianara Jey Forbes." at naglakad na siya palayo.

Nahigit ko ang hininga ko. 

What.The.Fudge.

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon