🌹 Chapter 60 : He is the Ex of my cousin🌹

Start from the beginning
                                    

Dahil mabait ako tumayo padin ako sa higaan ko..

"Sweetie wag ka muna bumangon..." Sabay alalay sakin ni kuya...

"Ayos lang ako kuya..." Sabi ko naman..

"Wag kanalang makulit... Humiga ka muna..."

Sumunod nalang ako kay kuya at humiga ulit...

"Uhm.. Oo nga pala Scarlet , si Nica..." Pakilala ni kuya sa kaninang babae na pinupunasan ang braso ko

"Hi! Scarlet... It's nice to meet you" naka smile na sabi nito saakin at nag wave sya

"H-hi!" Sabi ko din...

"Ah.. Manager ko.." Sabi pa ni kuya...

"H-hala..." Napatakip lang ako sa bibig ko... " m-manager mo sya..?" Napabangon ako para sabihin na sorry kasi naman nakakahiya sya pa ang nag pupunas ng katawan ko..

"Wag ka muna tumayo.." Sabi ng manager ni kuya na si Ma'am Nica

"S-sorry kasi ikaw pa po ang inutusan ni kuya na mag punas sa katawan ko hehehe.. Pasensya na po.." At nag peace sign ako sakanya

Na kakahiya lang , eh kasi naman Manager sya si Kuya eh...

"Its ok.. Ako naman ang nag request sa kuya mo... " sabi saakin ni Ma'am Nica

"Ah saglit lang ha.. Kukunin ko lang yung niluto kong pagkain para naman maka inom ka na ng gamot mo.." Sabi ni kuya

Tumango lang ako sakanya at lumabas na sya ng kwarto ko

"Pasensya na po ulit.." Sabi ko ulit...

"It's ok.. Don't mind it... You know Scarlet I want to see you.. Or meet you.." Masayang sabi nito saakin

"T-talaga po? Eh bakit naman po?" Tanong ko naman...

"Eh lagi ka kasing nakukwento sakin ng kuya mo... Nakikita ko din sa mga pictures nyong dalawa na ang sweet sweet nyong mag kapatid sa isa't isa... Nung nakaraan pa kita gustong makita kaso kapag pupunta ako dito wala ka kasi nga...ahm.. "

"Nandoon po kasi ako sa bahay namin ni..." Ayokong banggiting ang pangalan nya , nalulungkot lang ako

"Ng Teacher mo? Nakuwento lang sakin ni John... Pasensya na ha... Oh bakit bigla kang nalungkot..?" Sabi pa nito saakin...

Hindi ko alam na nahalata nya pala na nalungkot ako bigla...

"Ah.." Siguro naman walang masama kung sasabihin ko sakanya , feel ko kasi mapapagka tiwalaan naman sya...

"K-kasi... May hindi kami pag kakaintindihan... " sagot ko naman at tumingin sa labas ng bintana...

"Ah .. Ganon ba.?" Sabi lang ni Ma'am Nica

"Scarlet kainin mo muna itong niluto ko , mainit na sabaw at pag katapos inumin mo na ang gamot mo" sabi ni kuya

"Opo kuya.."

Umayos na ako sa pag upo at kumain na..

"Nga pala... Bakit ang aga mo yata ngayon...?" Tanong ni kuya

"Ano ka ba john.... Syempre baka pinauwi sya ng teacher nya kasi may sakit nga sya..." Sabi ni Ma'am Nica

"Oo kuya... Teka lang po.. Kayo po ba ni Kuya?" Tanong ko kay Ma'am Nica

Nag katinginan silang dalawa...

"A-ah.. Hindi kami.." Sabi ni Ma'am nica at tumingin sa ibang direksyon

Kitang-kita ko nag blush si Ma'am Nica

"o-Oo... " sabi naman ni kuya..

"Pero bakit Nica lang ang tawag mo sakanya kuya..? Diba dapat Ma'am or Miss Nica..?" Pag tataka ko lang...

My Teacher is  My HusbandWhere stories live. Discover now