22: Pageant

2.3K 66 0
                                    


*Tazel Point Of View*

Tatlong araw na ang nakalipas ng pumunta kami ng bulacan. Ang saya saya pala kapag nakakatulong ka sa mga tao kailangan ng tulong. Natapos na din yung punishment naming walo. Kaya ang saya saya ko ngayon.

At ang nakakatawa nagkaroon na selosan na naganap. Kahit hindi niya sabihin alam kung nagseselos siya. Mind reader yata ako! Joke lang nagbibiro lang ako. Matagal na kami magkakasama ng mga kaibigan ko kaya alam ko na lahat sa kanila kung nagseselos sila o hindi.

“Good morning class” hindi ko napansin si Mrs. Valdez na dumating. Binati naming lahat pabalik si Mrs. Valdez tanda ng paggalang “Pipili ako sainyo ng isang babae at isang lalaki para sa pageant na mamaganap sa susunod na linggo” maraming classmate ko ang tuwa tuwa sa narinig nila samantalang ako at mga kaibigan ko walang pake ganon rin yung apat na babae.

“Mam!” sabay sabay kami tumingin kay Nam na tumawag kay Mrs. Valdez habang nakataas pa ang isa nitong kamay.

“Yes Ms. Soriano?” tanong ni Mrs. Valdez at kami naman lahat na nandito sa classroom hinihintay ang sasabihin ni Nam.

“Si Gail po expert sa mga pageant ” nakangiting sabi ni Nam habang tinuturo niya si Gail. Mukhang ayaw naman ni Gail dahil iling siya ng iling.

“Ms. Bussy dahil expert ka naman ikaw na lang ang panlaban ng section natin” sabi ni Mrs. Valdez agad naman tumayo si Gail.

“Pero mam ang totoo talaga hindi ako expert. Si Margo po ang expert. Nanalo po siya noong highschool kami” nararamdaman kong totoo ang sinabi niya at mukhang napagtripan lang siya ng mga kaibigan niya.

“Ms. Bussy sa ayaw at sa gusto mo ikaw ang isasali ko sa pageant at sa lalaki naman ikaw Mr. Tolentino” nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Mrs. Valdez.

“Pero mam ako pa lang yung panlaban ng section namin ng nakaraan na taon tapos ako na naman ngayon pwede ba ‘yun?” mahilig talaga ako sumali sa pageant pero noong nakaraan na taon ako ang panlaban ng section namin pero hindi ako nanalo dahil si Philip yung nanalo.

Noong kasi hindi ko classmate si Philip pero tapos nagkataon siya yung panlaban ng section nila kaya natalo ako.

“Okay lang yun Mr. Tolentino dahil hindi ka naman yung nanalo noong nakaraan na taon” wala na ako magagawa!

Sana lang ngayong taon swertehin ako at mapanalo ko ang section namin.

*Gail Point Of View*

Ang hilig talaga ng mga kaibigan ko mang trip. Isinali ba naman ako sa pinakaaway kung contest. Mr. and Mrs. Westward 2004 yung contest na gaganapin next week.

Paano kung matalo ako at pagtawanan ng ibang istudyante dito sa school? Paano kung magkalat lang ako? Hayts! Kainis! Kasalanan ng mga kaibigan ko ‘to!

Mabuti kung si Margo ang isinali nila sa contest na ‘yun paniguradong panalo kami. Si Claris ganon rin at si Nam magaling rin sa ganitong contest.

“Excited na ako sa Mr. and Mrs. Westward 2004” tiningnan ko si Margo at mukhang excited nga siya samantalang ako nanalangin na sana magkasakit ako sa oras ng pageant o kaya naman sana magkaroon ng bagyo para Hindi matuloy ang pageant.

“Mararanasan mo na rin na sumali sa pageant Gail” tinapunan ko ng masamang tingin si Nam. Nang dahil sa kanya kaya ako nasali sa pageant na ‘yun!

“Mga Loka loka kayo. Ikaw nam ang may kasalanan kung bakit nasali ako sa pageant na yun. Dahil ikaw ang sumali saakin ikaw ang sumali”

“Gail hindi mo ba narinig yung sinabi ni mam. May 10 points kapag sumali at kapag nanalo siyak pasado sa subject niya” sabi ni Margo habang nagsasalamin sa hawak niyang salamin.

“Ang swerte mo dahil si Tazel yung magiging partner mo. Kung ayaw mo talaga pwede naman ako ang pumali sayo” sabay sabay kaming tatlo tumingin kay Claris “O! Bakit ganyan kayo makatingin?” tanong niya habang nakangiti.

“Crush mo ba si Tazel?” nagtinginan kaming tatlo nila Nam at Margo dahil sa pag chorus na tanong namin kay Claris.

“Psk! Ano naman kung crush ko si Tazel paniguradong wala naman magseselos isa sa inyo” bigla lumingon saakin sila Nam at Margo.

Bakit ganyan sila makatingin saakin? Para bang nang aasar ang mga tingin nila saakin.

AMAZONA vs GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon