2: The Boys

3.5K 103 0
                                    

*Andrei Point Of View*

Unat unat ang gwapo:) hanggang dito ba naman sa kwarto ko naaamoy ko ang mabagong ulam na niluluto. Bago ako pumunta ng dinning area para kumain nagsepilyo muna ako dahil baka asarin naman ako ng mga kaibigan.

Kasama ko sa iisang bahay ang mga kaibigan ko. Gusto lang namin maging independent at huwag ng umasa sa mga magulang namin.

“Ang bango” sabi ko ng makarating sa dinning area. Si abutan ko si Tazel na nagluluto at kahit tahimik ito may pakinabang pagdating sa pagluluto.

“Gising muna yung dalawa dahil kakain na tayo” sabi niya habang abala sa paghain ng mga ulam. Yung dalawa talaga laging nahuhuling gumising.
 
Umakyat ako at pumunta ng kwarto ni Philip. Si Philip muna ang gigisingin ko dahil siya ang pinakahirap gisingin.

Pumasok na ako kahit hindi alam ni Philip at pagpasok ko nakita ko si Philip na mahimbing natutulog.

“Hoi Philip gumising kana dyan!” niyugyug yugyug ko si Philip para gumising pero ayaw talaga gumising parang mantika kung matulog.

Alam ko kung paano gising ang lalaking ‘to. Pumasok ako ng banyo ni Philip at kumuha ng tubig sa tabo. Hindi ka talaga gigising pwes gigising kana sa gagawin ko. Evil smile.

Binuhos ko ng walang paligoy ligoy ang tubig kay Philip. Mabilis pa sa alas singko bumangon si Philip kaya naman hindi ko napigilan hindi tumawa.

“Gago! Sinong nagsabi sayo na buhusan mo ako ng tubig” mukhang galit na ang maamong tupa kaya TAKBO!

Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto ni Philip hanggang sa makarating ako sa dinning area.

“Anong nangyari sayo?” tanong ni Taicon na nakaupo na sa dinning area at ready ng mag almusal.

“Eh ano pa hinahabol ako ng asong ulol” sabi ko na may halong pang aasar kay Philip.

“Sinong asong ulol?” nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Philip galing sa likod kaya mabilis akong tumago sa likod ni Tazel.

“Pwede bang magsitigil nga kayo at kumain na lang tayo” mukhang nabwibwisit na si Tazel kaya umupo na ako sa tabi niya at nagsimulanh kumain.

“Hindi pa tayo tapos panget” nakatingin lang saakin  si Philip ng masama kaya hindi ko na lang siya pinansin dahil alam kung hindi siya titigil hanggang hindi makaganti.

---

Saan ba kami pupunta? Bigla na lang kasi nagyaya si Taicon na mamasyal. Ang lalaking ‘to talaga ang hilig gumala para lang makahanap ng bagong niyang mabibiktima.

Yun nga nakarating kami sa mall at naglalakad lang kami. Wala naman ako bibilhin, bakit ba kasi sumama pa ako? Palibhasa kasi walang magawa sa bahay.

“Mga bro nandito na ang girlfriend ko kaya kita kita na lang tayo mamaya” sabi niya at inakbayan ang babaeng kakadating palang. Iba talaga si Taicon papalit palit ng girlfriend.

Pagkaalis ni Taicon kami na lang na tatlo nila Philip at Tazel ang naiwan. Napalingon lingon ako sa paligid ng maramdaman kung wala na ang presensya ng dalawa.

“HOI MGA ULOL! HINTAYIN NIYO AKO!” mga gagong ‘to iwan ba naman ako, hindi ba nila alam na may kasama sila. Tumakbo ako para abutan yung dalawang ulol na naglalakad.

Tangina naman o! Kaibigan ko ba ang mga ‘to? Naabutan ko na yung dalawa at mahigpit na hinawakan ko ang dalawa sa braso para hindi na nila ako iwan.

“Hindi na kayo makakatakas” ako naman ang tagumpay at yung dalawa kunot noo na naglalakad.




A/n: every chapter maikli lang kaya sana huwag kayo magtampo saakin*)

AMAZONA vs GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon