12: Trouble

2.2K 81 0
                                    

*Claris Point Of View*

Papunta ako ngayon sa bahay! ‘Yung totoo kung bahay. Bibisitahin ko kasi si mama at ‘yung kapatid ko.

Habang nagdadrive ako papunta ng bahay may isang lalaking muntik ko ng masagasaan. Hininto ko ‘yung sasakyan ko para tingnan ko ‘yung lalaki kung okay lang siya.

“Ikaw?!” nagulat ako ng pagbukas ko ng bintana ng kotse ko bumangad saakin ang pagmumukha ni Philip.

“Please help me may humahabol saakin” sabi niya habang hawak hawak niya ang braso niya.

Mas lalo ako nagulat ng may dugong dumadaloy sa braso niya at may mga lalaking palapit sa pwesto namin na may dalang baril.

Dahil sa natataranta ako binuksan ko ‘yung pinto ng kotse ko sa may backseat at pinapasakay siya. Buti na lang ng nagpapuntok ‘yung isang lalaki nakasakay na ng kotse ko si Philip.

Mabilis kung pinatakbo yung sasakyan ko pero bago paman kami makalayo sunod sunod na putok ng baril ang pinakawala ng mga lalaki.

Ohmygod ‘yung kotse ko mukhang may mga gasgas na dahil sa putok ng baril.

“Uy Lalaki! Ano ba talaga ang nangyari?” tanong ko sa kanya pero nakatingin ako sa daan.

“Hindi kana nasanay! Lapitin kami sa gulo kaya pwede ba tumahimik ka dyan at dalhin mo ako kung saan huwag lang sa hospital” grabe ang lalaking ‘to! Siya na nga ‘yung tinutulungan siya pa ‘yung masungit.

Dinala ko siya sa bahay... Ewan ko ba kung bakit sa daming lugar na pwede kung pagdalhan ko sa kanya dito pa talaga sa bahay.

“Clarissa buti bumisita ka dahil miss na miss kana ng mga tao dito” salubong saakin ni Manang Lita ng makababa ako ng kotse.

Si Manang Lita ang nagpalaki saakin ng mga panahon na wala si mama at papa.

“Manang pwede niyo po ba akong tulungan” pag aawa effect
ko kay Manang tapos tumingin ako sa backseat kung saan natutulog si Philip.

Nakatulog na pala siya!

“Alam mo naman na malakas ka saakin. Ano ba ang maitutulong ko sayo?” the best talaga si Manang kaya mahal na mahal ko siya.

Lumapit ako doon sa may backseat at binuksan ang pinto at inalalayan ko Philip na makatayo.

“Manang manang tulog! Ang bigat bigat!” mukhang napalakas yata ‘yung boses ko buti na lang tulog mantika ang isang ‘to.

Mabilis na lumapit saakin si Manang|°•

“Diyos ko po!” tinulungan ako ni Manang na umalalay kay Philip ng makalapit siya saakin.

Akay akay namin ni Manang si Philip hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay. Mukhang gulat na gulat sila mama at kuya ng makita nila si Philip.

“Uy Rissa! Sino ang lalaking ‘yan?” tanong ni kuya ng makita niya si Philip.

“Pwede ba kuya mamaya na ang question and answer dahil gagamutin ko pa ang taong ‘to” hindi ko na pinansin muna sila mama at kuya dahil agad kung pinunta si Philip sa guestroom.

Kinuha ko ‘yung first aid sa may cabinet at agad ginamot ‘yung tama ng bala sa braso. Kinuha ko ‘yung gunting at dahan dahan na inalis ‘yung bala na baon sa braso ni Philip.

Tulong mantika talaga kahit inaalis ng bala hindi nagigising. Nilagyan ko ng bandage yung sugat niya at pagkatapos ko gamutin ‘yung sugat niya bumaba na ako.

Question and Answer na!

Expected ko naman na pagdating ko sa baba sasalubugin ako nila mama at kuya ng tanong.




_Miss_IU

AMAZONA vs GANGSTERWhere stories live. Discover now