Kabanata 1

12.6K 451 51
                                    

"So ibig mong sabihin nabuhay ng pangalawang pagkakataon si Antonio Buenaventura?" Nanlalaking matang tanong sa akin ni mae habang mariin namang nakikinig ang aking iba pang mga kaibigan.

Napairap ako. Sinasabi ko na nga bang maling mali na ikinwento ko pa sa kanila ang nakita ko sa malolos. Hindi tuloy nila ako tinigilan. "And so?" Tamad na tanong ko sa kanya.

"Kung ganuon tapos na ang kwento! Nabuhay muli sila ni Celestina and they live happily ever after!" Parang kinikilig pang saad ni glayn sa amin kaya naman halos batuhin na siya ng kung anong mahawakan na gamit ng iba pa naming mga kaibigan.

"Edi mabuti nang matahimik na din kayo, masyado kayong pakialamero sa love life ng ibang tao eh!" Sita ko sa kanila sabay irap.

Akala ko ay matatahimik na sila pero hind pa rin pala kaya naman habang hinihintay namin ang aming susunod na professor ay dumukdok na lamang ako sa arm rest ko at tska nakinig ng music at nag earphone.

Malapit na sana kong managinip ng kaagad akong kinalabit ni kristel dahil pumasok na ang aming professor. Halos hindi ko mahawang tumingin sa harapan dahil sa kanyang.

"Good morning class" sabi ng mga kaklasd ko.

Hindi ko nagawang sumabay. Nanatili ang aking mga mata diretso mismo duon sa whiteboard. Kung magsasalita man siya at duon lang ako sa buttones sa long sleeve niya nakatingin, duon lang.

"Ms. Celestine Garcia" tawag niya sa akin para sa aming magiging class attendance.

"Present" sambit ko sabay bahagyang taas ng aking kanang kamay.

Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin kaya naman halatang halata din ang tingin at bulungan ng aking mga kaklase.

Last year exactly Febuary 14, 2016 nang umamin ako sa kanya tungkol sa feelings ko towards him. It was supposed to be a secret letter pero hindi ko alam kung bakit kumalat halos sa buong collge namin. Mabuti na lamang at hindi na umabot pa sa aming administrator dahil kung nagkataon ay malaking gulo iyon at siguradong mababatukan ako ni mama.

"If you can't talk to me by looking straight to my eyes...isn't a disrespectful manner?" Makahulugang saad niya kaya naman mabilis akong umayos ng upo at tsaka diretsong tumingin sa kanya.

Mabilis na nagtagpo ang aming mga mata. Siya ang aking pinakaunang pagibig. Halos dalawang taon ko nang hinahangan ang professor namin sa english. Hindi ko inakalang mahuhulog ako sa kanyang ng ganito kalalim na maging ang aking pagkatao ay kinalimutan ko na.

"Mukhang bad trip si Mr. Santos" rinig kong bulong ni Anamarie sa aking likuran, sa iba pa naming mga kaibigan.

Wala naman na iyon sa aking lalo na't tanggap ko na na ang teacher at studyante ay mananatiling teacher at studyante. Mali sa paningin ng lahat at nakakahiya.

Humiwalay ako sa sumunod na halos tatlong oras na break para matulog sa library. Busy ang lahat sa pagbabasa ng matamaan ko ang makapal na libro ng mga pharmacy kaya naman kinuha ko iyon at ginawang unan.

"Lestine" pagyugyog sa akin ng isang babae habang nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagkakaidlip.

"Lestine" pagpapatuloy pa nito kaya naman napilitan akong tumingala.

"Ano iyon?" Tamad na tanong ko sa kanya.

"Hinahanap kasi yang libro, hihiramin" sabi niya sa akin sabay turo sa libro na ginawa kong unan. Napatingin ako sa librarian at sa iilang pharmacy student na medyo masama ang tingin sa akin. Tinaasan ko silay ng kilay at padabog na umupo.

"Sus, parang libro lang" inis na sambit ko at tsaka ako muling pumunta sa book shelf para humanap ng mas makapal pang libro na pwede kong maging unan.

His last ComebackKde žijí příběhy. Začni objevovat