Unang Huwebes

31 6 15
                                    


Hindi pa rin ako nakakaalis sa pagkawala ni Molly kahapon.

Heto ako ngayon at inaaalis ang kahibangan na iniisip ko ng mga mahahabang oras kagabi.

Molly, nasaan ka ba?

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa napadaan ako sa tapat ng silid-aklatan ni Bobby.

Napansin kong may isang kotseng itim ang mabilis ang pagmamaneho.

May ibinato pang aklat ito.

Ibinato ng babae ang isang aklat na may akda ay ako.

'Onis oka?'

Mabilis niyang pinapaandar ang kotseng itim, napakasaya niya.

Sa sobrang saya niya, hindi niya napansin ang isa pang sasakyan.

Sasakyang puti na sobrang pamilyar sa akin.

Sasakyang puting may laman na dalawang taong sobrang importante sa akin.

Dalawang taong mas importante pa kaysa sa buhay ko.

"Ma!! Pa!!"

Sigaw ko.

"Molly!!"

Sigaw ko sa babaeng bumangga sa sasakyang puti kung saan nakasakay sila Mama at Papa sa araw ng aking pagtatapos na siya ring pagtatapos ni Molly.

Hindi ko na namalayan ang nilalakaran ko basta ang alam ko, nilalapitan ko ang dalawang kotseng nagbanggaan.

"Ma!! Pa!! Molly."

Umiiyak akong parang bata sa kalsada habang nakikitang duguan ang tatlong taong naging importante sa akin.

"Bakit? Bakit?"

'I love Wednesdays though I born on a Saturday but I died on a Wednesday. I am lucky enough.'

Narinig kong pag-awit ng isang bata habang hawak ang isang lobong puti.

Lumapit siya sa akin.

"Kuya, mabubunggo ka. Halika na at huwag kang mag-emote dyan."

Wika niya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

Hinawakan niya ako't ginabayan pabalik sa tamang daanan.

"Kuya, anong pangalan mo?"

Tanong niya.

"Ako si Dante Vargas."

"Ako naman po si Molly."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ruiz?"

Tanong ko.

"Hindi po, Molly San Luis po. Pwede na din po, sounds like."

Makulit niyang sabi.

"Kuya, aalis na po ako ahh. Huwag ka na po tatawid at sisigaw-sigaw dyan ulit. Ba-bye."

Wika niya.

Nahihibang na ako.

Naiwan akong tatawa-tawa sa daan.

Ganoon pala ang nangyari noong araw na iyon.

#TeamMONTE

Wednesdays with MollyWhere stories live. Discover now