Ika-anim na Miyerkules

46 6 42
                                    


Natapos ko na ang ikalawang kabanata ng aking sinusulat na nobela.

Marahil ay may inspirasyong kinakapitan.

"Sir Dante, may ibibigay ako sa inyo."

Mahiya-hiyang sabi niya.

Inilabas ni Molly ang papel sa kanyang portfolio.

Isang papel na naglalaman ng isang tula.

"Wow, para kanino itong tula?"

Aking naitanong.

"Obvious naman po di ba?"

"Nasasagot din ba ng tanong ang isang tanong?"

"Bakit hindi mo na lang basahin yung tula na ginawa ko para sa'yo?"

Pagtatapos niya.

Talo ako doon kasi natahimik lang ako.

Ako, ako ay ginawan ng tula ng aking tinatawag na inspirasyon.

"I want your Monday Morning
Sleepy eyes, planning the whole week."

Paano niya nalalaman na mayroon akong plano kada isang linggo?

"I want your Tuesday afternoon
Coffee break, saying 'just hug me for a while, it's been a hard day."

Iba na ito.

Nagkakape ako sa araw ng Martes kaya siguro ay nerbyoso ako sa araw ng Martes at Miyerkules.

"I want your Wednesday evening
Staring with each other and a hug all throughout the night."

Sa araw ng Miyerkules, sa gabi ko lamang siya hindi nakikita.

Laging ganitong mga oras lang.

"I want your Thursday
Stretch soul smile, fingers unfurl, hand extends."

Gusto ko ding kasama ka ng Huwebes.

"I want your Friday
Relaxed from stress, admiring the night, just me and you."

Pati nang Biyernes.

"I want your weekend,
Your movie marathon Saturday, just sitting on the sofa, hugging you so tight."

Gusto ko ding mangyari iyon sa araw ng aking pahinga.

"I want your Sunday Morning,
White sheets, tender skin
Let's not get out of bed today."

Haaays, imahinasyon ko palang, kinikilig na ako.

"I want your ordinary,
When you're stressed,
When you're resting,
I want your bad days and terrible nights.
I want you everyday in every way for the rest of my life."

Natapos kong basahin ang tulang ginawa niya para sa akin.

Nakangiti lamang siya sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin.

Kundi ang mukha ay ilapit

Tinignan ang kanyang tingin

Diretso lamang sila sa akin

Wednesdays with MollyWhere stories live. Discover now