Sinubukan niya kong suntukin ulit na nailagan ko na. Gumanti ako ng atake at natamaan siya sa mukha pero hindi niya 'yon ikinatinag. Mas lalo siyang nanggigil sa ginawa ko kaya sinunod-sunod niya ang pagsuntok. I'm fully aware that I wont be able to dodge so I didn't bother avoiding his punches. Sinalag ko ng sariling braso ang lahat, sa gitna ng pag-atake niya ay kumuha ako ng pagkakataon at malakas siyang sinipa sa sikmura na nagpaluhod sa kanya. Wala akong balak na hayaan siyang makabawi kaya hindi pa man siya nakakatayo ay tinuhod ko na ang mukha niya dahilan para tuluyan na siyang mapahandusay.


Balak na sanang sumugod ng iba pa niyang kasama kundi lang sa narinig naming boses ng isang babae. "Kuya dito! Nandito 'yong mga nanggugulo." Mabilis na nagpulasan ang grupo ng kalaban, bitbit ang lalaking sinuwerteng napatumba ko.


"R-Rowan." Halata ang takot at pangamba sa mukha ni Sabrina nang lumapit sakin. Nanginginig ang mga kamay niya. "I-Im s-so sorry... I didn't mean to d-drag you into this." Hindi niya na napigil ang emosyon at malakas ng napahagulgol.


Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. All I can do is hug her and make her feel that it's not her fault. "I would never blame you for anything."


Nang medyo kumalma na, ay iginiya ko siya papasok sa sasakyan. She didn't talk nor refused. I started the engine and drove out of the campus but before passing the gate, I again saw the girl with a familiar face staring at me. Hindi siya nag-alis ng tingin hanggang sa nakalayo na kami.


Habang nagmamaneho ay kumikirot ang mga sugat na natamo ko. Nailing na lang ako nang maalala na noon ay halos araw-araw akong may pasa gaya ngayon. The pain felt nostalgic.


"R-Rowan, hindi mo na ko kailangang sunduin bukas. T-Tapos na ang usapan natin," naluluha pa ring giit ni Sabrina. "Hindi mo na kailangang kumpletuhin ang anim na oras. I can pay you right now." Akmang dudukot siya sa bag ng pera pero mabilis kong pinigil ang kamay niya. Ilang segundo bago siya muling kumibo. "I-I'm really sorry for letting you get hurt." Sinisisi pa rin niya ang sarili.


I pulled her head towards me. Muli ko siyang niyakap kahit pa nagmamaneho ako. "We'll complete the deal today."


Dahil siguro alam niyang hindi niya ko mapipigil at kahit humihikbi, ay tumango na lang siya. Mixed emotions are definitely stirring her inside. Ramdam ko, dahil sa higpit ng pagkakayapos niya sakin.


As soon as the traffic light turned red I swiftly took out my phone and sent a message.

Mads, I'll be borrowing one of your condos. Can't explain the reason right now.

Ilang segundo lang ay nakatanggap rin agad ako ng sagot.

No problem baby. I'll call Serenade's front desk right now to let you in. Ang dami mo ng utang sakin ha. Be sure to pay up.

Matapos mabasa ang mensahe ay tinahak ko na ang daan papunta sa condo na binanggit ni Madeline sa text niya.


Along the way and on Serenade's elevator Sabrina didn't question me. Pero no'ng makapasok na kami sa loob ng unit ay nagsimula na siyang magtanong.


"B-Bakit tayo nandito Rowan?" I held her hand firmly and pulled her towards the bed. "Don't tell me we're going to—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil naitulak ko na siya pahiga sa kama. Natahimik siya at natulala nang pumuwesto ako sa ibabaw niya. She's in between my arms that's leaning against the bed and holding my weight.


"What happened isn't your fault babe." I kissed both of her eyes that're now swelling because she didn't stop crying on our way here. "Hindi ko pinagsisisihan ang pagtanggap sa trabahong ibinigay mo." Sa pisngi niyang pinaglandasan ng luha ko naman, idinampi ang mga labi ko.


Part-time BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon