Thirty First Chasing

Start from the beginning
                                    

She remembered that he don't sing. Kapag pinipilit niya itong kumanta noon eh nagagalit lang sa kanya. "Mukhang lasing na rin si Ser Andrei ah." Puna ni Aling pinang.

"Mamaya naman po ay uuwi na kami." Aniya. Maya maya'y nakikikanta na si Xandrei. Gusto niyang katawa dahil lumang kanta ni Renz Verano ang kinakanta nito.

"Puro lungkot na lang ang nadarama. Kapag walang tibok. Walang ligaya. Kapag wala ka sa buhay ko'y. Walang sigla" Naghiyawan ang mga kalalakihan ng bumaling si Xandrei sa kanya habang kumakanta. "Ang iyong pangakong. Ako'y laging mamahalin. Tandang-tanda ko pa. Ang ating sumpaan
Hanggang wakas. Ay magsasama. Umulan, bumagyo. Gumuho man ang mundo
Ikaw at ako pa rin."

Saka sabay sabay na bumirit ang mga ito.

Remember me
Kapag nag-iisa
Kapag ika'y nalulungkot
Huwag kang mag-alala
Remember me
Kapag iniwan kang
Luhaan at sugatan
Ng iyong minamahal
Remember me
'Di ko kayang limutin ka
Noon, ngayon, magpakailan man
Ako'y naghihintay

"Eh panlaban pala sa kantahan itong si Ser eh." Biro ni Marie. Ngumiti lang siya.

Tanga marahil siya. Tanga nga siguro siya dahil sa kabila ng lahat, si Xandrei parin ang mahal niya. Na hindi siya basta nakalimot, naduwag lang siyang aminin.

Naalala niya ang mga bagay na tinakasan niya. Bumaling siya kay Marie. "Marie, may cellphone ka ba?"

"Oho. Bakit ho?"

Bahagya siyang ngumiti. Itatama na niya ang mga mali niya. Hindi pwedeng takasan niya ang lahat ng ito. Dalawang mahalagang lalaki sa buhay niya ang sinasaktan niya. Panahon na para gawin niya ang parte niya. "Pwede ba akong makihiram. Makikitawag lang ako."

Nalaman niya na may signal sa lugar na ito. Wala kasing kuryente sa Isla dahil hindi pa umaabot doon ang solar plant na ipinagawa mi Xandrei para sa mga tao. Inabot ni Marie sa kanya. "Tamang tama po't nakaunli call ako."

"Salamat." Aniya ng abutin iyon. Mabilis siyang tumayo. Hindi nakatingin si Xandrei sa kanya. Pumuwesto siya sa gilid ng bahay malayo sa ingay. Mabilis siyang nagdial ng number. Ilang segundo bago may sumagot. "Mommy... " Mahigpit siyang napahawak sa cellphone. Narinig niya ang paghinga nito bago nasundan ng pag iyak.

"Honey where are you? We've been looking for you. Nasa ligtas na lugar ka ba? Is he hurting you?" Tama siya ng hinala na alam na ng mga ito na Si Xandrei ang kumuha sa kanya.

"Mom I'm okay.. Hindi ako sinaktan ni---."

"Is that Mandie?" Naukingan niya ang tinig ng ama. Maya maya'y ito na ang angsalita sa kabilang linya. "I'm glad you called honey. We're going to rescue you. Nasaan ka? Sinaktan ka ba niya?"

"Dad... "

"I will fucking kill him sa oras na magkita kami! I already contacted our friends in army. Ako mismo ang huhuli sa kanya." Nanlaki ang mga mata niya.

"Dad hindi ako sinaktan ni Xandrei! Hindi niyo siya ipapahuli."

"And why not? He kidnapped you! Alam mo baa ng inabot naming kahihiyan ng Mama mo? The Montana wants us to filed a case against Sandoval. At kapag hindi ka niya ibinalik sa loob ng susunod na bente kwatro oras ay nasisiguro ko sayo. Dead or alive, he will going to get punished."

Tumulo ang luha niya. "Pero hindi niya ako sinaktan. Hindi niya ako kinulong. Hindi niya ako pinagsamantalahan. Inalagaan niya ako at---."

"Honey..." Boses na ng kanyang ina ang naririnig niya. Naririnig niya ang galit na galit na tinig ng kanyang ama. Marahil ay inagaw ng kanyang ina ang telepono dito. "Mas mabuting sabihin mo na kung saan ka dinala ni Xandrei. I believed in you, alam kong hindi ka sasaktan ni Xandrei."

Ngumiti siya kahit tumutulo ang mga luha. "Thank you, Mom."

"Because I know that he loves you---still. But honey, Alec needs you. Kailangan ka ni Alec ngayon."

Dahil sa narinig ay mas lalo niyang sinisi ang sarili. Si Alec... Nasira ang pangako niya.

Remember me
Kapag nag-iisa
Kapag ika'y nalulungkot
Huwag kang mag-alala
Remember me
Kapag iniwan kang
Luhaan at sugatan
Ng iyong minamahal
Remember me
'Di ko kayang limutin ka
Noon, ngayon, magpakailan man
Ako'y maghihintay

To be continued...

Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Where stories live. Discover now