Di ko tuloy makita ang mukha nya.

"Move!" inis na sigaw nya at itinumba yung isang malaking stall. Naharangan tuloy yung daan at naistock si man in a horse.

Tumakbo ulit sya ng mabilis, hindi ko namalayan na papunta pala sya sa direksyon ko.

Nagpoproseso sa utak ko ang paglapit nya. Hindi yata gumana ang adrenaline rush ko kaya nastock ako sa kinatatayuan ko.

"H..hey! hey!!" Saktong pagharap nya sakin ay nabunggo nya ako at pareho kaming natumba ngunit hindi nga lang sa inaasahang posisyon. Nasa ibabaw ko sya.

Sh*t.

Magkaharap ang mukha naming dalawa at parehong nanlaki ang mata namin ng dalawa ng makita ang isa't isa.

"Piggy!?/Pony!?"we said simultaneously.

Sya yung lalaki kahapon! Si Piggy!

Hindi ko akalaing makikita ko ulit sya at sa ganito ulit na sitwasyon, hinahabol na naman sya ng mga kawal.

"Pony?/Piggy?" we said in chorus. pareho kaming napataas ang kilay.

Kailan pa ako naging si Pony??

"AYUN SYA!!!!"

Napatingin kami pareho kay man in a horse. Malapit na nilang maalis yung harang kaya agad na nagpanic si Piggy.

"Sh*t!"

Mabilis syang tumayo pero natumba ulit sya sakin.

"Aray!!" inis na sabi ko dahil dinaganan nya ako.

"eh bakit kasi—" pareho kaming napatingin sa kamay namin at nanlaki ang mata ng makita ang posas sa kamay naming dalawa

How did this happen!?

"Pano napunta yan dyan!?"gulat kong sabi.

"Naposasan nila ang isa kong kamay kanina"

At aksidente akong naposasan ng magkabunggo kami!? What the heck!?!?

Tumayo sya kaya tumayo narin ako at pilit inaalis ang posas saming dalawa. Wala itong susi kaya sinubukan ko nalang buksan gamit ang kamay pero hindi parin epektibo!

"Pano to alisin!?!"nagpapanic kong sabi.

"HULIHIN SYA!!"

Tumakbo bigla si Piggy kaso nahila nya rin ako dahil sa posas na nakakabit sa aming dalawa

"Aray!!" bulyaw ko. Napatingin sya sakin at umirap.

"Tara dalian mo!!" hinawakan nya ang kamay ko at tumakbo kami pareho.

Oh mon dieu. I feel something in my tummy.

Ngayon ay hinahabol kami ni man with a horse and company. Lahat sila nakasakay sa kabayo kaya lalo akong na tense sa kanila.

Parang napanuod ko na to sa movie dati?

"Any idea why they want to seize you!?"sigaw ko habang tumatakbo kami.

"None!!" nasabi nalang nya.

"TUMIGIL KAYO!!!" narinig kong sigaw ni man in a horse.

"Tumigil daw!!"sabi ko.

"Are you insane to follow him!?"inis na sabi nya at sandaling sumulyap sakin.

"Wala naman akong kasalanan eh!!"

"Don't mind him! just follow me!"

Ang bossy nya!

Tumigil kami ng makita ang isang kabayo sa tabi at agad nya yung kinuha.

✔Book ApartWhere stories live. Discover now