Isang araw na ang lumipas ng makapasok ako sa pesteng librong ito. Sana naman hindi nagpapanic sila Iñigo at lola sa bahay.

Napatingin ulit ako sa libro. Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit wala itong title.

"Okay.. una palang mahirap na"bulong ko.

Tumayo na ako at inayos ang damit ko. Mabuti at binigyan ako ng damit ni Belle. Kahit mukhang wala syang masyadong naitulong ay may pakinabang din sya.

Color violet off shoulder dress ang suot ko, at naka boots na color black. Gumaling narin ang sugat ko dahil sa mala magical na ginawa ni Belle sa akin. Ewan ko nga kung paano nya yun nagawa. May superpowers kaya sya?

May purple hat din ako na sobrang cute! tapos naka half pony ang curly hair ko. Napangiti ako dahil ramdam ko na napakaganda ko sa ayos ko.

Sinuot ko din ang coat ko at yung maliit na shoulder bag na lagayan ng libro tsaka lumabas na. Kailangan makita ko ang Prince at ipahuli sya sa kawal. Hindi ko nga lang alam kung papaano yun mangyayari.

Hello? bakit naman dadakpin ng mga kawal ang isang prinsipe diba!? Napakaimposible nun pero kailangan ko parin gawin.

Lumabas na ako sa bahay at pumunta sa sentro ng bayan. Nakita ko agad ang maraming tao sa fountain. Yun kasi ang center ng buong bayan at doon din nagaganap ang mga patimpalak at iba pa.

"wow.. may mga musician.." bulong ko habang nakatingin sa mga lalaking tumutugtog ng nga instruments.

Ang galing nila mag tugtog eh, tapos hinahagisan sila ng pera. Naghagis din ako ng 50 Miro dahil na enjoy ko ang pagtugtog nila.

Mabuti nalang at binigyan ako ni Belle ng pera, sabi nya okay lang daw na gastusin ko ang pera nya sa well-secured-money-vault nya sa bahay dahil kada uwi nya ng weekend ay malalagyan ulit yun.

Buti pa sya, real quick ang pera.

"Paano kaya ako makakapunta sa palasyo? mukhang malayo paglalakarin, Kailangan sumakay ako"tanong ko sa sarili.

Pero hindi ko naman alam ang sakayan dito! tsk!

"Bakit palagi nalang sya tumatakas no?"

"Sabi nila, may pinupuntahan daw syang babae"

"talaga!? kainggit naman! Sabi nila napakagwapo daw ng prinsipe"

"Ang kaso wala namang nakakakilala sa mukha nya"

Narinig ko ang usapan ng mga babae sa tabi. So kung ganon, palagi pala talagang natakas ang makulit na prinsipeng yun!?

Siguradong magaling sya magtago.

"TUMABI KAYO!!!"

Napatingin ako sa sumigaw, sya yung man in a horse kagabi! Yung pinagbintangan akong nagnakaw ng alahas. Mukhang may hinahabol na naman siguro syang magnanakaw ngayon.

"Get out of my way!!" Nakita ko ring ang isa pang lalaki na tumatakbo, binubunggo nya lahat kahit yung mga tinda! Mukhang sya ang target ni man in a horse.

Pero teka? parang pamilyar sya.

"Don't block the way!!" inis na sabi nya at mabilis na tumatakbo. Hindi sya nakatingin sa dinadaanan nya dahil dun sya nakatingin kay Man with the horse.

✔Book ApartWhere stories live. Discover now