2.Don't read a strange book

Start from the beginning
                                    

Napasimangot sya at nagpout ulit. Haha! Hindi ko akalain darating sa point na magpapacute ang masungit kong kapatid dahil lang sa nabo-bore sya.

"Please.. Ate Chi.."

Nagulat ako sa sinabi nya. For the first time ay tinawag nya akong Ate! Wow!Papakain na ba ako?

"totoo ba yan?"pangaasar ko ulit kaya bigla syang nag blush.

"Dali na kasi!! tara na! Pabebe talaga" hinihila na nya ako at parang nahihiya kasi nga tinawag nya akong ate. Hahaha!

"Okay!" Bumangon na ako naunang lumabas sa kwarto.

Madali naman akong kausap. At isa pa unang beses nya akong tinawag na ate, masarap din pala sa pakiramdam no?

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Tara dalian mo!" hinila nya ako papunta sa isang pamilyar na part na bahay. Doon sa bodega.

"Bakit tayo nandito? diba sabi ni lola na bawal tayo dito?"

"Oo nga pero naghininala parin ako kung bakit bawal tayong pumasok dyan eh"

"baka kasi yung totoong may ari ng bahay na to may gamit dyan-"

"Ehh basta! gusto ko pumasok dito, feeling ko may kakaiba dito eh"

"At ano naman yun aber?" Pumameywang ako sa kanya.

"I don't know, that's why we're here?"nagkibit balikat sya.

Pumasok na kami sa bodega. Ipapanalangin ko nalang na sana hindi kami mahuli ni lola, baka mapagalitan ako dahil sa dakilang pasaway kong kapatid! At bilang parusa ay baka puro gulay ang ipakain samin! I'm not a fan of veggies pa naman!

Madilim sa loob, ang laki ng bodegang 'to at ang dami ngang mga gamit. Nakaramdam ako ng kaunting kilabot, paano kung may multo dito? This house is about, maybe an 80 years old! kaya posibleng may mga nakatira na dito!

"This is insane ñig!! Bumalik na tayo! Mahuhuli pa tayo ni lola!"

"Then keep on whining para mahuli talaga tayo"sarcastic nyang sabi.

Napairap ako sa kanya. Hindi ko naman kayang bumalik mag isa dahil natatakot na ako. Kumapit ako sa braso ni Iñigo para kung sakaling may multo ay sya nalang ang ihaharang ko! Aba sya ang may kasalanan kung bakit kami napunta dito!

"wala bang ilaw?"tanong ko.

"Naghahanap nga ako eh"

"H..huy!" Binitawan ako ni Iñigo at humiwalay sakin.

"Saan ka pupunta?!"

"Maghahanap ng ilaw, ano pa ba? Takot na takot kana dyan eh"

Pumunta nalang ako sa bintana, tinapalan ito ng plywood kaya may konting sinag nakakalusot sa butas nun.
Si Iñigo naman ay naghahanap ng ilaw.

Isiniksik ko ang sarili ko doon kahit puro alikabok, natatakot kasi ako sa dilim. Napansin ko ang sahig na tinatapakan ko, parang hindi solid yung tunog kapag tinatapakan? Para bang may space sya sa loob?

"Iñigo?" tawag ko, pero mukhang nasa ibang part sya ng bodega.

Inalis ko yung carpet na nakatakip, I found a very small knob and pull it to open. Napaubo ako dahil sa dami ng alikabok sa gilid.

Finally, I opened it. Para itong isang pinto papunta sa basement.

"Iñigo!" Tinawag ko ang kapatid ko ngunit hindi naman sumasagot.

"Iñigo!"wala ulit sumagot.

Hindi maalis ang takot ko, kung ano anong bagay ang umiikot sa aking isipan, paano kung may monster pala dito? Or mga zombies? Or kayamanan? Napangiti ako ng maisip ang bagay na yun. Ngunit hindi rin maalis ang kuryosidad ko kung anong meron sa loob nito at malalaman ko lang yun kung papasok ako.

✔Book ApartWhere stories live. Discover now